^

Pang Movies

Michael Martinez, tiyak na pag-aagawan na ng mga network

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isa nang sikat na celebrity si Michael Christian Martinez pag-uwi sa bansa after makasali sa finals ng Winter Olympics in men’s figure skating sa Sochi, Russia. Siya ang unang Pinoy at Southeast Asian na pumasok sa ultimate contest ng nasabing division sa quadrennial games.

Dati sa skating rink lang sa mall nag­pa-practice si Martinez ng figure skating. Hindi sukat akalain na makakapag-perform siya sa Iceberg Skating Palace as one of the 24 finalists sa Winter Olympics. Kahit walang snow sa ating bansa at sa Southeast Asia, tinalo pa niya ang mga kalahok from Canada, Sweden, at Switzerland.

Pinagbubunyi si Michael ng mga nanood sa Iceberg Skating Palace. Isang malaking karangalan para sa Pinoy na ang maging finalist ay tila imposibleng pangarap.

Tahimik na umalis sa bansa, pero ngayon pa lang balak na siyang bigyan ng pagsalubong para sa isang bayani. Meron na ngang mga produkto na gusto na siyang kuning endorser. Mag-uunahan ang mga-networks upang siya ay ma-feature sa iba’t ibang TV shows.

Na-feature na si Michael sa Washington Post at tiyak na sa maraming mga European magazines and broadsheets, marami na rin siyang pictorial at interview.

Yumaong child superstar may katapat sa ‘Pinas noon

Ang yumaong former child superstar na si Shirley Temple pala ang unang inalok ng Dorothy role sa Wizard of Oz, pero hindi siya pinahiram ng kanyang mother studio sa 20th Century Fox. Napunta kay Judy Arland ang papel na tinanghal na one of Hollywood’s biggest actress.

Sa ating bansa, si Tessie Agana ang unang counterpart ni Shirley, na pinasikat ng Sampaguita Pictures nina Dr. Jose Perez sa title role na Roberta. Ang kuwento noon, si Tessie ang nagbangon muli sa movie company after masunugan. Nakasama pa nina Susan Roces, at Amalia Fuentes sa isang movie si Tessie.

Pelikula nila Nora at coco tapos na agad

Mabilis natapos ang shooting ng Padre De Familia na bida sina Nora Aunor at Coco Martin, with Joel Torre as the husband who abandoned his wife Nora and their son Coco.

Muling mapapanood si Rosanna Roces sa pelikula, bilang kontrabidang hipag ni Nora.

Ang balak, sa week ng Mother’s Day in May o kaya’y sa birthday ng Superstar on May 21 ang ma­ging playdate nito. Ngayon pa lang sabik na ang mga fans sa forthcoming tearjerker.

Dapat sumama ang loob Iza naitsapuwera sa Starting...?

Bihirang mabanggit sa mga nabasa nating write-up ng Starting Over Again si Iza Calzado. Second lead lang kasi ang dating Kapuso star sa bagong Star Cinema blockbuster na ang press release ay tumabo ng P25 million, sa opening day pa lang last Wednesday.

Siyempre higit na bibigyang halaga ng kompanya ang kanilang mga original stars. Hindi naman homegrown ng ABS-CBN si Iza, kaya wala siyang karapatang magreklamo. Kung mataas naman ang talent fee, okay lang.

Aktor salawahan, hindi raw nagseselos ang totoong pag-ibig

Isang sikat na aktor ang nagsabing hindi nagseselos ang tunay na pag-ibig. Ang gusto yata niya, kahit mangaliwa siya o maging unfaithful, hindi magseselos ang kanyang partner at magsasawalang-kibo na lang.

Talagang one-sided ang kanyang mentalidad. Dapat sabihin niya, ‘‘Ang tunay na pag-ibig, hindi nagtataksil o nangangaliwa.’’ Hindi naman laruan ang taos-pusong pagmamahal. Ang mga tulad niya, ibig sabihin walang respeto sa kababaihan.

Rak of Aegis kinabibiliban

Habang patuloy na pinupuri ang Rak of Aegis na stage musical ng PETA, lalo naman naming gustong panoorin. Noon pa lang pinaplano ito, alam na magiging isang katangi-tanging panoorin.

Baka kapag nagpatuloy ang tagumpay ng show, magkaroon pa ito ng isang film version.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

ICEBERG SKATING PALACE

LANG

NORA

RAK OF AEGIS

WINTER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with