Lumutang sa burol ni Roy Alvarez Chin-Chin misyonaryo na, ibang-iba na ang hitsura

Nakaburol ang labi ni Roy Alvarez sa cha­pel ng Santuario de San Jose sa Greenhills at bukas, 2 p.m. ang cremation sa kanyang bangkay.

Pumunta ako kahapon sa Santuario de San Jose para makiramay sa pamilya na naulila ni Roy, ang asawa niya na si Nieves at ang  kanilang dalawang anak. Yes, dalawa at hindi lamang isa ang anak nina Roy at Nieves.

Naabutan ko sa chapel si Chin Chin Gutierrez na hindi ko agad nakilala dahil ibang-iba na ang kanyang itsura. Missionary na si Chin Chin ng Diocese of San Jose sa San Jose, Nueva Ecija.

Matalik na magkaibigan sina Chin Chin at Roy. Parehong mga environmentalist ang dalawa at naniniwala sila sa mga alien. Napabalita noon na  madre na si Chin Chin pero nang makita ko siya kahapon, hindi naman pangmadre ang kanyang suot.

Kahapon ko lang nalaman na balae pala ni Roy si  Jaime Fabregas. Ang anak ni Roy na si Miren ang asawa ni Paolo Fabregas, ang stage actor na anak ni Jaime.

Mainstay si Roy ng Villa Quintana kaya naka-standby ang OBB van ng GMA 7 sa compound ng simbahan. Inaabangan ng mga reporter ng Kapuso Network ang pagdating ng cast ng Villa Quintana na shocked na shocked sa biglang pagpanaw ni Roy.

Aiza at Liza sobra ang pagka-in love

Nagkita kami kahapon nina Pops Fernandez at Aiza Seguerra sa presscon ng Journey of Love.

Si Pops ang produ ng concert ni Aiza na mapapanood sa Resorts World Manila sa March 1. Mahigpit ang imbitasyon ni Pops na panoorin ko ang concert ni Aiza dahil sure raw na mag-e-enjoy ako.

Ang Eurotel sa tapat ng SM North ang venue ng presscon ng Journey of Love. First time ko na nakapunta sa Eurotel at na-impress ako sa kanilang masasarap na pagkain. Maluwag din ang function room na pinagdausan ng presscon.

Kasama ni Aiza ang kanyang future wife na si Liza Dino. Nakita ko nang personal kung gaano ka-in love ang dalawa sa isa’t isa. Talagang made for each other sila.

Naloka ako nang malaman ko na dati nang magkarelasyon noon sina Aiza at Liza pero nagkahiwalay sila. Mga bata pa sila noon kaya sikretung-sikreto ang kanilang love affair.

Nang magkabalikan sina Liza at Aiza, saka sila naging open sa kanilang relasyon bilang mga mature person na sila.

Malaki ang tsansa na pagkasal sa Amerika ang dala­wa dahil US-based naman si Liza.

Pops inggit na inggit kina Liza at Aiza

Tanggap na ng mga pamilya nina Liza at Aiza ang kanilang relasyon. Wala na silang magagawa dahil nasa legal age na ang dalawa.

Inggit na inggit nga si Pops sa sweetness nina Liza at Aiza. May reason si Pops para mainggit dahil loveless daw siya. Sumusumpa si Pops na wala siyang boyfriend na ayaw paniwalaan ng mga reporter dahil magandang-maganda ngayon ang original concert queen.

Panay ang tanong sa akin ni Pops tungkol sa mga bagong showbiz issue. Ang ending, mas marami pa siyang alam na kuwento kesa sa akin.

Updated si Pops sa kaso nina Vhong Navarro at Cedric Lee. Alam din niya na namatay na si Roy Alvarez kaya ano pa ang ikukuwento ko sa kanya. Nang siya naman ang tanungin ko tungkol sa kanyang sexlife, humalakhak si Pops. Paano raw siya magkakaroon ng sexlife eh wala nga siyang love life?

 

Show comments