^

Pang Movies

Kapamilya comedy shows, sama-samang magdiriwang ng buhay komedyante

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibang klaseng pag-ibig ang umiikot sa ABS-CBN ngayong buwan, sa pagdiwang ng sama-samang Buhay Komedyante ng Home Sweetie Home, Banana Split, Banana Nite, LUV U, at Goin’ Bulilit ngayong buwan ng Pebrero sa ABS-CBN. 

Tatlo sa mga comedy show ng network ang mag-aanibersaryo ngayong buwan, at isang malaking pasasalamat ang handog ng bawat isa para sa mga tawanang ibinahagi sa mga taong nakaraan. Kasama rito ang paboritong kiddie gag show na Goin’ Bulilit na nagdiriwang ng ika-9  taon, ang nakakakilig na teen series na LUV U na dalawang na taon na, at ang laughtrip na gang ng Banana Nite na isang taon na.

Isa pang pasalamat ang handog ng Kapamilya network para sa suporta sa pinakabagong sitcom ng Kapamilya network, ang Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Mula sa pilot episode nito noong umpisa ng taon ay naging numero uno na kaagad ang programa sa weekend charts.

Bilang isang malaking treat para sa loyal viewers ng Kapamilya comedy, sama-sama ang pagdiwang ng Buhay Komed­yante ng network ngayong Pebrero—kung kailan ibabahagi ng bawat programa ang pagmamahal at pasasalamat nila sa kanilang audience sa paborito nilang paraan—ang sama-samang tawanan at sama-samang pagsasaya kasama ang lahat ng pamilyang Pinoy.

Panoorin ang Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, ang Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila, ang LUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19, ang Goin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend, at ang Home Sweetie Home tuwing Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit.

BANANA NITE

BANANA SPLIT

BUHAY KOMED

BUHAY KOMEDYANTE

BULILIT

GOIN

HOME SWEETIE HOME

KAPAMILYA

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with