Mukhang tama ang tanong ni Congressman Lito Atienza. Bakit mga security guards at hindi pulis ang nakabantay ngayon kay Vhong Navarro? Hindi ba katungkulan ng gobyerno na magbigay ng proteksiyon sa kanyang mga mamamayan kung may seryosong banta sa buhay? BaÂkit si Kris Aquino, pati na ang mga anak may bantay na PSG, wala namang banta sa buhay nila.
AiAi kinamumuhian pa rin si Jed, kahit pakikipag-kaibigan ayaw na talaga
Diretsahang sinabi ni AiAi delas Alas, na maski maging magkaibigan lang, ayaw na niyang balikan si Jed Salang. Makikita mo talaga ang matinding trauma na pinagdadaanan niya sa loob ng isang buwang pagsasama nila bilang mag-asawa.
Hindi naman talaga ganyan si AiAi. Medyo hindi rin naman maganda ang naging ending nila ng singer na si Miguel Vera noong araw, pero nagkasundo rin sila at naging magkaibigan. In fact, noong ikasal si AiAi kay Jed ay dumalo pa si Miguel.
Kung sa bagay, may mga nasabi rin naman si AiAi na mga bagay para ilihim niya at pagtakpan ang dating asawa.
Noon na lang nagkakagulo na at saka inamin ni AiAi na matapos pala ang kanilang kasal may nangyari nang bimbangan sa US pa lang. Pero siguro ang hindi na lang talaga niya natanggap ay noong malaman niyang may girlfriend pala si Jed, at siya pa ang pinabibili ng mga iniÂreregalo para rito. Isa pa ay natuklasan rin niyang sinasabi na kukunin lang ang pera niya at pagkatapos ay iiwanan siya para pakasalan ang tunay na girlfriend na nagtatrabaho sa casino.
Ngayon, mukhang natuto na rin si AiAi.
Jennylyn palpak ang mga tagapayo
Mabuti naman at hindi na nagsasalita nang kung anu-ano si Jennylyn Mercado ngayon laban kay Patrick Garcia. Kasi kahit na ano ang sabihin niya hindi naman pinapatulan ni Patrick eh. Lalo lang nagiging negative ang dating niya. Sa panahong ito na mayroon na naman siyang serye sa TV, na hindi naman maikakailang hindi maganda ang ratings, hindi na siya dapat magpaka-negative pa.
Mali ang handling niyang si Jennelyn eh. Pinilit siyang gawing underdog noong mabuntis siya at hindi pakasalan ni Patrick. Pero naipakita naman ng kampo ni Patrick na gusto nilang gawin ang pinaka mabuti para sa bata, pero tiÂnanggihan niya. Tapos, hindi namin malaman kung bakit pinalabas pa nila ang naging ending ng relasyon nila ni Dennis Trillo, na kinaladkad pa siya palaÂbas ng condo noon. Hindi siya naging underdog, nagmukha siyang cheap. Hindi kasalanan ni Jennylyn iyon. Mukhang mali ang advisers niya nang gawin niya ang lahat ng iyon.