^

Pang Movies

Habang si Kris may PSG kahit walang banta sa buhay Vhong Navarro mga sekyu lang ang escort

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang tama ang tanong ni Congressman Lito Atienza. Bakit mga security guards at hindi pulis ang nakabantay ngayon kay Vhong Navarro? Hindi ba katungkulan ng gobyerno na magbigay ng proteksiyon sa kanyang mga mamamayan kung may seryosong banta sa buhay? Ba­kit si Kris Aquino, pati na ang mga anak may bantay na PSG, wala namang banta sa buhay nila.

AiAi kinamumuhian pa rin si Jed, kahit pakikipag-kaibigan ayaw na talaga

Diretsahang sinabi ni AiAi delas Alas, na maski maging magkaibigan lang, ayaw na niyang balikan si Jed Salang. Makikita mo talaga ang matinding trauma na pinagdadaanan niya sa loob ng isang buwang pagsasama nila bilang mag-asawa. 

Hindi naman talaga ganyan si AiAi. Medyo hindi rin naman maganda ang naging ending nila ng singer na si Miguel Vera noong araw, pero nagkasundo rin sila at naging magkaibigan. In fact, noong ikasal si AiAi kay Jed ay dumalo pa si Miguel.

Kung sa bagay, may mga nasabi rin naman si AiAi na mga bagay para ilihim niya at pagtakpan ang dating asawa. 

Noon na lang nagkakagulo na at saka inamin ni AiAi na matapos pala ang kanilang kasal may nangyari nang bimbangan sa US pa lang. Pero siguro ang hindi na lang talaga niya natanggap ay noong malaman niyang may girlfriend pala si Jed, at siya pa ang pinabibili ng mga ini­reregalo para rito. Isa pa ay natuklasan rin niyang sinasabi na kukunin lang ang pera niya at pagkatapos ay iiwanan siya para pakasalan ang tunay na girlfriend na nagtatrabaho sa casino.

Ngayon, mukhang natuto na rin si AiAi.

Jennylyn palpak ang mga tagapayo

Mabuti naman at hindi na nagsasalita nang kung anu-ano si Jennylyn Mercado ngayon laban kay Patrick Garcia. Kasi kahit na ano ang sabihin niya hindi naman pinapatulan ni Patrick eh. Lalo lang nagiging negative ang dating niya. Sa panahong ito na mayroon na naman siyang serye sa TV, na hindi naman maikakailang hindi maganda ang ratings, hindi na siya dapat magpaka-negative pa.

Mali ang handling      niyang si Jennelyn eh. Pinilit siyang gawing underdog noong mabuntis siya at hindi pakasalan ni Patrick. Pero naipakita naman ng kampo ni Patrick na gusto         nilang gawin ang pinaka mabuti para sa bata, pero ti­nanggihan niya. Tapos, hindi namin malaman kung bakit pinalabas pa nila ang naging ending ng relasyon nila ni Dennis Trillo, na kinaladkad pa siya pala­bas ng condo noon. Hindi siya naging underdog, nagmukha siyang cheap. Hindi kasalanan ni Jennylyn iyon. Mukhang mali ang advisers niya nang gawin niya ang lahat ng iyon.

vuukle comment

AIAI

CONGRESSMAN LITO ATIENZA

DENNIS TRILLO

JED SALANG

JENNYLYN

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with