^

Pang Movies

Ogie puro si Regine ang binibilhan ng mamahaling gamit

- Vinia Vivar - Pang-masa

Isa sa napag-usapan sa presscon ni Regine Velasquez last Monday para sa kanyang Voices of Love Valentine concert with Martin Nievera ay ang mga regalong natanggap nila ng asawang si Ogie Alcasid from each other.

Natanong ang Asia’s Songbird kung ano ang pinakapabulosong naging gift niya kay Ogie at say niya, isang BMW car kaya lahat ay napa-react dahil sobrang fabulous naman pala talaga.

Iniregalo raw niya ang BMW car kay Ogie noong time na hindi pa sila mag-asawa at ikakasal pa lang. Ang biro nga tuloy ng entertainment press, kaya naman pala pinakasalan siya. Natawa rin si Songbird at pabiro ring umayon.

“Actually, may story ‘yun. That was the time na hindi ko siya masyadong nakikita dahil sobrang busy ko. Tapos, nagkasakit siya nun, hindi ko naaalagaan.

“Sa sobrang guilty ko, binilhan ko ng kotse. Kaya sabi siguro, ‘Bongga ka palang ma-guilty, sige na nga, ma-guilty ka na ulit’,” kuwento ni Regine na natatawa.

Ayon pa kay Songbird, actually ay spoiler daw si Ogie. Madalas siyang bigyan ng gift pero sa sarili raw nito ay walang binibili.

“So, I want to also spoil him, kasi nga, he doesn’t also treat himself. He works so hard. Sino pa mag-i-spoil sa kanya? Kawawa naman,” pahayag pa ni Regine.

Ang madalas daw iregalo ni Ogie sa kanya ay jewelry and branded bags. ‘Pag binibigyan daw siya ng alahas, parati na lang may heart. Heart-shaped na earrings, bracelet na may heart, pendant na may heart, basta laging heart.

“Puwede na nga akong gumawa ng necklace na puro heart. Basta ang dami, puro heart.

“Puwede naman niyang i-cash, ikorte niya lang na heart,” say pa ni Songbird kaya nagkatawanan.

Sa bags naman daw, madalas ay Hermes ang ibinibili nito sa kanya at sa asawa nga lang daw siya nagsimulang matuto na bumili rin ng mga branded bags for herself. Dati raw kasi ay hindi siya nag-a-attempt na bumili dahil namamahalan siya.

“Pero, parang more than half of my collection, sa kanya galing,” say pa ni Regine.

Sa Feb. 14 gaganapin ang Voices of Love Valentine concert ni Regine and Martin na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

After 12 years, ngayon lang daw sila ulit magsasama sa isang concert na silang dalawa lang. Last year ay nagkaroon sila ng Foursome Valentine concert pero apat sila kasama sina Ogie and Pops Fernandez.

Kahit nagluluksa si Regine dahil sa pagpanaw ng amang si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez sa mismong araw ng presscon niya last Feb. 3, dito makikita ang professionalism ni Songbird dahil tuloy na tuloy pa rin ang concert.

FOURSOME VALENTINE

HEART

MALL OF ASIA ARENA

MANG GERRY

MARTIN NIEVERA

OGIE

OGIE ALCASID

OGIE AND POPS FERNANDEZ

VOICES OF LOVE VALENTINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with