MANILA, Philippines - Tinuluyan na rin ni Deniece Millinette Cornejo na sampahan ng kasong rape si Vhong Navarro sa isang korÂte sa Taguig City kahapon ayon sa lawyer niyang si Atty. Howard Calleja.
Dahil sa pagsasampa ni Vhong ng mga tambak na kaso laban kay Deniece, Cedric Lee, et al, iba’t ibang opinion ang naglabasan.
Matapos nga lang ang kasuhan, wasakan naman ng pagkataon. Naglabasan ang before and after na picture ni Deniece sa social media. May changes diumano sa mukha niya. Saan daw ba kumuha ng pera si Deniece upang mabago ang hugis ng mukha? Pinaglalaruan din ang pagkababae niya dahil sa sinasabing oral sex na ginawa ng actor-host sa kanya na inilagay ni Vhong sa kanyang affidavit.
May mga chika naman kami tungkol sa isang artista na naging biktima raw ni Vhong. Ayon kay Cedric, may anim o pitong babae pa ang gustong lumantad na diumano’y biktima rin ng host-actor.
Sa kaalaman ng lahat, hindi lang naman through sexual inteÂrÂcourse nangyayari ang rape. Meron ding tinatawag na sexual assault na nasa batas pero kailangan na ang biktima ay pinuwersa o tinakot, unconscious, below 12 years old, at grave abuse of authoÂrity or fraudulent machinations.
Sa pagsusubaybay namin sa kasong ito, kinabiliban namin ang achors ng DZMM, huh! Sobrang tutok silang lahat at kahapon sa programa ni Vic Lima, nakatisod naman si Henry Omaga Diaz ng mga maimpluwensiyang tao na ka-deal ni Cedric sa business.
Sam mag-e-effort sa pagbi-VJ
Magsisimula na ang MTV Pinoy sa Feb. 14 na pinamamahalaan ng Viva Communications. Collaboration ito ng Viacom International Media Networks (VIMN) na home ng international entertainment brands na MTV, Nickelodeon, at Comedy Central.
Sa launching ng MTV Pinoy sa The Library-Metrowalk sa Pasig City, ipinakilala ang mga video jock (VJ) na regular na mapapanood — sina Sam Pinto, Yassi Pressman, Josh Padilla (anak ni Gino Padilla), at Andrei Paras na anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.
Sa apat, takang-taka si Sam sa pagkakasama niya bilang VJ.
“But before MTV Pinoy, I was doing a show in Viva Channel. It’s called Daily Top 10. Music din siya pero for Viva Channel naman,†saad ni Sam nang makausap ng press.
“So todo-effort talaga ako rito. Malulurky ako! Hahaha!â€
Tuloy pa rin naman ang acting career ni Sam kahit VJ na ang drama niya muna. Nasa cast siya ng Vampire ang Daddy Ko at waiting siya sa next movie niya sa Viva.
Sobrang saya rin ni Yassi dahil natuloy na ang MTV Pinoy na last year pa pinag-uusapan.
“Nakaka-excite at nakakakaba,†rason niya.
Makakabuti ang show sa kanya dahil wala na siyang boyfriend. Lahat ay nabibigyan na niya ng oras gaya ng family and friends niya.
“May time na rin akong mag-workshop. Punta sa church. Marami, marami,†chika pa niya.
Mabuti nga lang daw at tapos na ang mga eksena niya sa GMA series na Paraiso Ko’y Ikaw.
“Kaya sumakto ang timing sa schedule ng MTV at SAS (Sunday All Stars),†dagdag pa niya.
Lalabas nga raw sa MTV channel ang kakikayan, husay sa pagsasayaw, at kadaldalan ni Yassi.
“Gusto kong mag-focus as VJ. Gusto kong maging fun siya. Gusto kong maÂging young. ’Yung makaka-relate sila. Ayaw namin sa MTV na maging dull siya or boring. Gusto naming maging light,†balita pa ni Yassi.