Marami ang nagtataka kung bakit hindi agad nag-file ng formal complaint si Vhong Navarro o ang kanyang mga kamag-anak sa Taguig City Police tungkol sa pagkakabugbog sa comedian TV/host/dancer noong Miyerkules.
Hanggang ngayon ay hinihintay pa ang reklamo sa pulisya o saan mang sangay na nagpapatupad ng batas. Naging misteryo tuloy ang violent manhandling ni Navarro sa isang unit ng condominium sa Bonifacio Global City.
Kung ano pang mga bagay ang luluÂtang, pagkatapos magsalita ni Vhong sa Buzz ng Bayan kahapon, sana makatulong na malutas ang mahiwagang kaso.
Tony Boy pinuputol na ang financial support sa Cinemalaya
Ang higit na nakalulungkot na pangyayari last week ay ang pagputol ng suporta ni Tony Boy Cojuangco para sa Cinemalaya Independent Film Festival Foundation. Sampung taon nang umaariba ang nasabing festival na siyang pinakasikat sa bansa at may pinakamaraming winners na nagwagi rin ng mga major award sa mga prestigious international filmfest.
Every year ay nagbibigay ang foundation ng tig-P500,000 grant to each of the 10 finalists o may kabuuang P5 million para tapusin ang kanilang mga lahok. Naglaho na ang suportang ito from the Cojuangco camp, kaya’t ang ating gobyerno, through the Cultural Center of the Philippines (CCP) na ang sasagot na sa mga gastusin ng festival.
Si Cojuangco pa rin ang chairman ng Cinemalaya Foundation at nangakong tutulong pa rin sa mga gawain nito, maliban na nga sa financial assistance.
Ilang taon nang nababalitang bibitiw ang prominent business leader sa Cinemalaya pero this year lang, on their 10th year, naging final ang kanyang desisyon.
Miss Cebu winners pang-worldwide ang beauty
Sa winner and runners-up pa lang sa Miss Cebu 2014 contest, sa panguÂnguna ni Cheriemel Diane Muego, mga pang worldwide beauty pageant na ang personalidad ng mga nagwagi. Puwede na silang irampa sa abroad at malamang na makuha ang international title at stake.
Expect them to join other nationwide pageants like Miss World Philippines, Bb. Pilipinas, and Mutya ng Pilipinas.
Pokwang ayaw kay Ryan Bang para sa anak
Siyempre hindi papayag si Pokwang na umibig ang kanyang anak kay Ryan Bang, na wala namang malaking pera at mga naipundar na kabuhayan sa ating bansa. Ang isang inang tulad ng komedyana na tuluyang binigay ang the very best sa kanyang mga anak, natural namang maghangad ng pinakamaganda para sa kanila.
Hanggang ngayon kasi, wala pang TV show o pelikula na naging bida si Bang, siyempre ang talent fee niya ’yung mga barya-baryang bigay sa mga supporting actor lang. Pero may karapatan naman siyang umibig. Huwag nga lang sa anak ni Pokwang.
Direk Brillante pinarangalan ng France para sa mga naging obra
Congratulations to filmmaker Brillante Mendoza who has been conferred the highest cultural award by the French government last Thursday at the French embassy, Chevalier (Knight) de French Order of Arts and Letters, for his works which have been internationally acclaimed, and one (Kinatay) has given him the Cannes International Film Festival best director award.
Pinay singer naunang bumenta sa ibang Asian countries bago sa ’Pinas
Kilala na at mabili na ang mga CD ng Pinay singer na si Sabrina Orial sa Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, at South Korea. Sa ating bansa, ngayon pa lang ilulunsad ang kanyang singing career.
Pinagkakaguluhan na siya sa mga nasabing bansa at nakasali sa mga biggest song festival and event doon.
Binansagang acoustic sweetheart, pawang sa nasabing genre ang kanyang mga hit CD na nailabas na ang I Love Acoustic 6 album.