Sikat na female celeb hindi kilala ang young actress na papansin
Umiyak ang isang young actress nang malaman niya na tumanggi ang isang sikat na female celebrity na pag-usapan siya. Ang dahilan ay hindi raw kilala ng female celebrity ang young actress.
Very vocal pa naman ang young actress na isa sa mga paborito niya ang sikat na female celebrity at gusto raw niyang makatrabaho ito someday.
Pero noong tanungin nga sa sikat na female celebrity ang tungkol sa young actress, nag-beg off ito dahil hindi raw niya kilala ito.
“Natigilan ng ilang seconds ang female celebrity at nagtanong sa gustong mag-interview sa kanya kung sino raw ang tinatanong na young actress sa kanya,†say ng aming source.
“Nagpaliwanag naman ’yung nag-i-interview kung sino ang young actress pero walang recall si female celebrity sa name nito.
“In fairness sa celeb, nag-sorry pa naman siya at sinabi na, ‘Pasensiya na. Hindi ko kasi siya kilala. I don’t know what to say to her. Next time na lang kapag nakilala ko na siya.’
“At least, sweet pa rin ang dating kahit na ang ibig sabihin ay hindi niya kilala ang pasaway na young actress kaya bakit naman siya magpapaunlak ng interview tungkol sa kanya?
“Use me in a sentence ba para mapag-usapan si pasaway na young actress?â€
Nang iparating ito sa young actress, naiyak daw ito at ’di makapaniwala na ‘di siya kilala ng hinahangaan niyang female celeb.
“After all naman nga ng publicities niya, walang recall ang female celebrity sa kanya.
“Naku, huwag na siyang umasa dahil hindi mahilig sa ka-cheap-an na chismis ang female celebrity, ’no?!†talak pa ng aming source.
“Mga starlet siguro kilala siya pero ang big star na tulad ng female celebrity na ito ay ’di basta-basta nagbibitaw ng salita para maiangat ang sinuman. Maki-level naman sana ang young actress, ’di ba?â€
Rachelle Ann, fan lang dati ni Regine, 10 years na sa showbiz ngayon
Sa first week of March na ang lipad ni Rachelle Ann Go for London, England para simulan ang kanyang vocal, acting, and dance training for three months bago siya isalang sa muling pagbabalik ng award-winning hit musical na Miss Saigon sa West End.
Excited na si Rachelle dahil ito ang first time niyang bumiyahe na mag-isa at maninirahan siya sa London for more than a year dahil sa magiging trabaho niya sa musical. Siya ang napiling gumanap na Gigi sa Miss Saigon.
Natutuwa naman daw si Rachelle sa mga advice at mga message na kino-congratulate siya sa pagkapili sa kanya. Kabilang nga na nagbigay na ng tips sa kanya ay ang mga Pinay na gumanap na Gigi na sina Isay Alvarez at Jinky Llamanzares.
“Si Ms. Isay, nagbigay na siya ng tips sa akin when performing in front sa West End. Ibang-iba raw doon kaya maging relaxed lang daw ako. Natural lang daw na nerbiyusin ako pero kapag pinalakpakan na raw ako, mawawala lahat ng kaba ko,†ngiti ni Rachelle.
Pero bago nga lumipad si Rachelle for London, magkakaroon muna siya ng isang malaking concert to celebrate her 10th year sa pagiging isang singer.
Si Rachelle ang grand champion ng singing contest sa GMA 7 na Search For a Star in 2004. Hindi nga makapaniwala si Rachelle na sampung taon na pala ang nagdaan.
“I remember na seventeen years old pa lang ako that time when I auditioned for Search For a Star. Marami na akong sinalihan na mga singing contest in the past pero ’yun ang unang contest na sinalihan ko for television.
“Hindi ko naisip noon na mananalo ako. Gusto ko lang ma-experience at makilala ang idol kong si Regine Velasquez. Pero may ibang plano talaga si Lord at ako ang na-bless na manalo,†pagbalik-tanaw pa ni Rachelle.
- Latest