MANILA, Philippines - Looking forward ang Kapamilya heartthrob na si Sam Milby na maipakilala sa kanyang parents ang nililigawan na si Jessy Mendiola. Magandang pagkakataon na raw ito dahil nandito ang kanyang family for the holiday season but unfortunately dahil sa sobrang busy nila pareho ay wala pa rin silang mahanap na time na magkita at mai-introduce niya ang dalaga sa kanyang pamilya.
Kahit ako, I haven’t been able to spend as much time with my family. May trabaho pa rin. And they understand naman na may work.
“It was just nice, at least, nung Pasko, we were able to spend time with each other.â€
Kailan naman kaya makikilala ng kanyang paÂrents ang kanyang special someone ngayon?
“The right time is pag may time. Yun lang. Tingnan natin,†sey ng guwapong aktor.
Aminado naman si Sam na bagama’t seryoso siya sa panliligaw kay Jessy, this time ay ayaw naman niya madaliin ang lahat.
“We always hope for the best.
“But if it doesn’t work out, then you know naman na it just wasn’t meant to be, and we’re better off as friends,†pahayag pa ni Sam.
Samantala, noong December 31, nag-post si Sam sa Instagram ng larawan kasama ang kapatid niyang si Ada Milby sa kanilang beach escapade.
Kalakip nito ang isang simpleng caption na nagsasabing, “Fun last day with for 2013 with my sis @adamilby #NewYearsEve.â€
Habang si Jessy naman ay sinalubong ang Bagong Taon sa Boracay kasama ng dalawa niyang non-showbiz friends.
Nagpahiwatig din ang young actress na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay handa na siyang umibig muli ngayong 2014.
Nakasaad sa bahagi ng caption ng Instagram post ni Jessy kahapon, January 1: “To new happiness, opportunities and love. Are we ready for 2014?? Hell yeah!!!!! 2014 better be ready for us! #alamna hahaha! Happy New year everyone!â€