Nash-Alexa love team, bida na!

MANILA, Philippines - Magic, kilig, at kwentong pampamilya ang handog ng Kapamilya tween love team nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong Enero 2014 sa pagsisimula ng pinakabagong month-long special ng Wansapanataym na pinamagatang Enchanted House. 

Mula sa kanilang pagpapakilig sa Kapamilya teen comedy series na Luv U, bibigyang buhay naman ng Nash-Alexa love team sa Enchanted House ang mga karakter nina Philip at Alice, ang magkaibigang madadamay sa mapait na nakaraan ng kanilang mga magulang. Sa kabila ng kanilang magandang samahan, unti-unting magsisimula ang kaguluhan sa pamilya nina Philip at Alice nang matuklasan ng lahat ang sumpa na ibinigay ng ina ni Philip sa mga magulang ng kanyang kaibigan.

Maaalis pa kaya nina Philip at Alice ang sakit sa puso ng kanilang mga magulang at turuan ang mga itong magpatawad?

Show comments