Bimby dalang-dala ng appeal kahit hindi na umarte
In full force na dumating ang Aquino sisters sa premiere night ng My Little Bossings held last Saturday night sa Cinema 10 ng Megamall sa Mandaluyong City bilang suporta kay James “Bimby†Aquino Yap, Jr. na as we all know ay bunsong anak ni Kris Aquino.
At nakabibilib naman dahil sa orchestra silang lahat nakaupo kahalubilo ng fans. Pati ang ibang artista na guests ni Kris ay sa ibaba rin nakaupo kabilang na sina Derek Ramsay, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Pokwang, Pooh, K Brosas, at John Lapus.
Heard na hindi na raw kasi kayang ma-accommodate sa balcony ang lahat ng guests kaya sa baba na lang nag-settle sina Kris and company na para sa amin ay nakabibilib dahil kung ibang artista ’yun, for sure, ay hindi sila papayag na sa orchestra sila.
Sa balcony naman ay namataan namin ang iba pang cast ng movie na sina Vic Sotto, Aiza Seguerra, and Jaclyn Jose. Naroroon din ang mga executive ng OctoArts, GMA 7, and APT Productions. Nakita rin namin doon si Ms. Susan Roces at ang girlfriend ni Bossing na si Pauleen Luna.
Kung pagbabasehan ang dami ng mga taong dumalo sa premiere night, we’d say na ang laki nga ng tsansa na maging No. 1 ito sa box-office. Grabe ang mga tao maging sa labas ng sinehan at talagang mag-e-effort ka talagang makiraan para lang makapasok.
Sobrang curious namin kay Bimby dahil first movie niya ito kaya naman halos siya lang ang tiniÂtingnan namin sa tuwing may eksena siya. May appeal na agad ang bagets kahit six years old pa lang. Kitang-kita na agad na pang-leading man talaga ang porma niya paglaki.
At tama naman ang sabi ni Vic na naipakita talaga sa movie ang contrast nina Bimby at Ryzza Mae Dizon lalung-lalo na sa height. Hahaha!
Pati sa kilos ay magkaibang-magkaiba ang dalawang bagets. Parang hindi na nga umaarte si Bimby dahil ganung-ganun din siya in person – mayaman, sosyal, at Inglisero.
Showing na sa Dec. 25 ang My Little Bossings bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival.
Gabby Lopez at Charo Concio pinuri ang katatagan at pagtulong ng mga Pinoy sa gitna ng kalamidad
Binigyang-pugay ni ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby†Lopez III ang katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng mga kalamidad sa kagaganap lamang na star-studded solidarity concert na pinamagatang Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon: The 2013 ABS-CBN Christmas Special.
“Ngayong taon, marami tayong mga Kapamilya na biglang nawalan ng bahay, ng hanapbuhay, ng mahal sa buhay. Pero patuloy silang nananalig sa Diyos. Isang inspirasyon ang kanilang tibay,†pahayag ni Lopez. “Ngayong Pasko, dapat lang tayong magpasalamat sa kahit anong maliit na bagay na meron tayo. Sana rin po ay bigyan tayo ng Panginoon ng lakas para makatulong sa pagbangon ng ating mga kababayan.â€
Sa kanyang Christmas message sa Kapamilya viewers sa buong mundo, pinasalamatan ni Lopez ang lahat na nakiisa sa rehabilitation efforts ng ABS-CBN sa pamamaÂgitan ng pagbibigay ng donasyon sa Sagip Kapamilya caÂlamity fund at pag-volunteer sa pag-repack ng relief goods para sa calamity survivors.
Tulad ni Lopez, ikinarangal rin ng ABS-CBN president at chief executive officer na si Charo Santos-Concio ang maging saksi sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa panahon ng trahedya.
“Ang taong ito ay maaalala natin hindi lang bilang taon ng trahedya kundi taon din ng katatagan at kabutihan. Maging ang mga banyaga ay namamangha sa ipinapakita nating mga katangian,†mensahe ni Santos-Concio. “Ang mabilis na pagbangon, ang bumubuhos na tulong, ito ang nagbibigay sa atin ng kumpiyansa sa kinabukasan.â€
Bukod sa special production numbers ng ilan sa mga pinakasikat na Kapamilya stars, mas naging makahulugan ang 2013 ABS-CBN Christmas Special dahil sa masayang musical performance ng Reo Band, isang gruÂpong binubuo ng magkakapatid na mula sa Tacloban City sa Leyte na isa sa mga lugar na labis nasalanta ng super bagyong Yolanda. Inawit nila ang medley hits ng The Beatles at sila lamang ang kaisa-isang nakatanggap ng standing ovation mula sa audience ng Smart Araneta Coliseum noong gabi ng Christmas Special.
- Latest