Robin pinag-aaral ng koran si aljur

Tiyak na nasa cloud nine si Aljur Abrenica kapag nalaman niyang pinuri-puri siya ni Robin Padilla. Nang makausap kasi ng press si Robin sa presscon ng Metro Manila Film Festival at matapos matanong tungkol sa entry niyang 10,000 Hours, nakumusta siya tungkol sa relasyon ng anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur. 

Ayon sa kanya, hanga raw siya sa lakas ng loob ng young actor na humarap sa kanya at humingi ng pahintulot na maligawan si Kylie. Hindi raw naman siya tumanggi dahil nakita niyang mahal talaga ni Aljur si Kylie. Pero hirit pa ni Robin, mas magugustuhan daw niya ang aktor kapag nag-aral na ito ng Koran (the Muslim Bible). 

Kapag muli kaming bumisita sa romantic-comedy series ni Aljur na Prinsesa ng Buhay Ko with Kris Bernal, itatanong namin kung ano ang sagot niya sa gusto ni Robin na gawin niya para lalo siyang magustuhan nito.

Muling pumirma ng kontrata si Robin sa ABS-CBN kaya natanong siya paano na ang paggi-guest niya sa Adarna ni Kylie sa GMA 7 na ipinahayag niya sa mga entertainment press during the presscon ng telefantasya. Tuloy pa rin daw ang paggi-guest niya at kasama iyon sa pinirmahan niyang kontrata na maggi-guest siya sa first action-drama series ng anak. Naipangako na raw niya iyon kay Kylie na susuporta siya kapag gumawa ang anak ng isang action project sa GMA kahit nasa ibang network siya.

Meanwhile, ngayon ang grand presscon ng 10,000 Hours at bukas ang invitational premiere night nito sa Greenbelt Cinemas sa Makati City.

Janno nagulantang sa aftermath ng Yolanda, nakabuo ng kanta

Kahapon sa Sunday All Stars, unang ipina­rinig ang original composition ni Janno Gibbs na Bangon Kaibigan. Touching ang lyrics ng kantang nasulat daw ni Janno habang pinapanood niya sa TV ang aftermath ng bagyong Yolanda sa mga kababayan natin sa Eastern Visayas. Gusto raw niyang ma-inspire ang mga tao, kahit sa pamamagitan ng kanta, na sa kabila ng trahedya, may pag-asa pa rin tayong tinatanaw. 

Nang mabuo ni Janno ang song, inilapit niya ito sa mga executive ng GMA Network at nagustuhan nila at pumayag na gawing isang charity project ito. Si Janno ang lumapit sa mga kapwa Kapuso artist para mag-record ng kanta. Pina­ngunahan ang more than 100 artists ng GMA nina Regine Velasquez, Jaya, Joey de Leon, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Cesar Montano, and others. 

Tamang-tama na nakabalik na from their successful US concert ang cast ng My Husband’s Lover kaya nakapag-record din sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Carla Abellana, at Kuh Ledesma. 

Puwedeng i-download sa iTunes ang song at lahat ng mga artistang nag-participate sa pagri-record at sa shoot ng video ay pipirma ng kanilang signature sa Bangon Kaibigan T-shirts na io-auction at puwedeng mabili online. Lahat ng proceeds ay mapupunta para sa relief operations ng Kapuso Foundation sa mga apektado ng kalamidad sa Visayas.

Show comments