^

Pang Movies

Kim mataba na, hindi na halatang na-ICU

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natuloy na rin kahapon sa wakas ang press launch ng Atienza Naturale na ilang beses na na-postpone dahil nagkasakit si Kim Atienza ng Guillain-Barre Syndrome.

Magaling na magaling na si Papa Kim at walang-wala sa hitsura niya na na-confine siya sa intensive care unit ng Makati Medical Center. Tinapos muna ni Papa Kim ang It’s Showtime bago siya nagpunta sa presscon.

Nagulat ang mga reporter nang makita nila si Papa Kim dahil malusog ang pangangatawan at rosy cheeks siya. Ibang-iba ang hitsura niya kapag nasa TV dahil payat na payat siya. Ang say ni Papa Kim, baligtad ang epekto sa kanya dahil imbes na mag-add siya ng 10 pounds kapag nasa harap ng mga TV came­ra, payat na payat ang hitsura niya.

Wala nang dapat ipag-alala ang fans ni Papa Kim dahil ligtas na ligtas na siya sa kanyang karamdaman. Ikinuwento ni Papa Kim na nakaramdam siya talaga ng takot.

Napabilis ang paggaling ni Papa Kim dahil health buff siya at malaking tulong ang regular na pag-take niya ng Atienza Naturale, ang herbal dietary supplement na mula sa malunggay.

Kumbinsido ako na maganda ang epek­to sa katawan ng Atienza Naturale dahil maganda at malusog din ang pangangatawan ni Lei, ang bunsong anak ni Congressman Lito Atienza.

Itinuro sa akin ni Lei na effective ang pag-inom ng Atienza Naturale tuwing umaga. Busog na busog daw ang kanyang pakiramdam kapag lumulunok siya ng dalawang piraso ng Atienza Naturale tuwing umaga. Wish ko lang, tumalab sa akin ang beauty secret ni Lei na seksing-seksi kahit dalawa na ang kanyang mga anak.

Na-miss ni Papa Lito ang entertainment press kaya gusto niya na magkaroon ng munting salo-salo.

Nag-usap na kami kahapon ni Papa Lito tungkol sa kanyang magandang plano na siguradong ikatutuwa ng entertainment writers.

Isa si Papa Lito sa tumatanaw ng utang na loob sa entertainment reporters. The feeling is mutual dahil love na love rin siya ng showbiz press.

Nabanggit nga pala ni Papa Lito na malakas kumain ng malunggay si Congressman Manny Pacquiao.

Kapag may laban sa boxing si Papa Manny, pi­na­dadalhan siya ni Papa Lito ng sangkatu­tak na malunggay na isa sa mga sikreto ng kanyang healthy body. Hindi kinuha na endorser ng Atienza Naturale si Papa Manny dahil si Papa Kim ang endorser ng produkto. Sumusumpa si Papa Kim na walang bayad ang endorsement niya sa Atienza Naturale.

‘Nasira ang schedule ko’

Dyuskoday, nasira ang schedule ko kaha­pon dahil inilipat sa ibang oras ang presscon para kay Heart Evangelista, ang bagong celebrity endorser ng Tanduay.

Twelve noon ang imbitasyon at nasa venue na ako ng presscon nang matanggap ko ang advisory na postponed for 6 p.m. ang presscon. Nakakaloka ’di ba?

I’m sure, naloka rin ang ibang mga miyembro ng entertainment press na maagang dumating sa venue dahil kung kailan nandoon na sila ay saka nila nalaman na inilipat sa ibang oras ang presscon.

Wala na akong magagawa sa kapalpakan na nangyari kaya dumiretso na lang ako sa venue ng presscon nina Papa Lito, Papa Kim, at Lei Atienza.

Maiintindihan ko ang postponement na nangyari kung maagang nag-abiso ang in charge sa presscon, hindi ’yung kung kailan nasa venue na ang invited guests, saka sila nagkansela. Kaloka ’di ba?

vuukle comment

ATIENZA

ATIENZA NATURALE

DAHIL

KIM

PAPA

PAPA KIM

PAPA LITO

PAPA MANNY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with