Matapos maging too sexy sa pagho-host niya sa Startalk last Saturday, may pasasabugin daw malaking balita si Heart Evangelista sa kanyang coming presscon.
Ano kaya ito, matakpan kaya nito ang pananampal issue ni Anne Curtis?
Dingdong inunang magka-classroom ang mga estudyante sa Iloilo kesa magpabongga ng party
Simple Christmas dinner ang ibinigay ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry P. Lansigan and his talents Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Wendell Ramos, Carl Guevarra, Max Collins, Jolina Magdangal-Escueta, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzales, LJ Reyes, at Angelika dela Cruz.
Ayon kay Perry, ilang beses niyang pinag-usapan with his talents kung magbibigay ng Christmas party for the press at napagkaisahan nilang kahit simple celebration, at no more raffle prizes, ay ituloy pa rin for the spirit of Christmas.
Pero ang pinalakpakan ng entertainment press ay ang pahayag ni Dingdong na magiging part ng donation ng Yes Pinoy Foundation at ng PPL ang Philippine entertainment press na nag-attend ng gabing iyon. Nakita raw kasi nila kung gaano ang pinsalang nagawa ng bagyong Yolanda sa Estancia, Iloilo na pinuntahan nila last week para mag-distribute ng relief goods.
Since ang Yes Pinoy Foundation ay concerned sa education, pinagtuunan nila ay ang rehabilitation ng classrooms sa isang elementary school doon. Napag-alaman daw nilang umaabot ng P600,000 ang halaga sa pagpapatayo ng isang classroom. Kaya kung nakakagastos sila ng more than P500,000 sa isang Christmas party, iyon na ang donation nila para sa isang classroom at kasama nga ang entertainment press na nag-donate ng P100 each ng gabing iyon.
Pinapirma rin ng PPL ang kanilang artists at ang entertainment press sa dalawang white board at iyon daw ang ipi-frame sa labas ng classroom na ipagagawa nila. NaÂngako rin si Dingdong na ia-update ang press sa development ng project.