Pandagdag sa P1M na donasyon para sa Yolanda survivors nakasalalay kay Gerald

MANILA, Philippines - Nakasalalay kay Gerald Anderson ang huling P100,000 para makumpleto ang P1M na donasyon ng Minute to Win It para sa survivors ng bagyong Yolanda sa kanyang challenge na ipapalabas bukas (Nov 27). Sa huling challenge na  Shoe Fly Shoe kailangang maihagis ni Gerald ang dalawang sapatos gamit ang kanyang paa at maipatong ang mga ito isa-isa sa dalawang mesa sa loob ng isang minuto. Nakalikom na ng P900,000 ang dating big winners na showbiz at sports personalities na sina Martin Nievera, Arwind Santos, Ella Cruz, Joey Marquez, John Estrada, Chieffy Caligdong, Epi & Vandolph Quizon, Makisig Morales, at Andrew E sa special game ng Minute to Win It na nagsimula noong Biyernes. Makumpleto kaya ni Gerald ang challenge sa loob ng isang minuto para makuha ang huling P100,000? Panoorin ang Minute to Win It, na pinangungunahan ni Luis Manzano bukas 11AM sa ABS-CBN.

Show comments