Lea identified na sa Miss Saigon, ibang Pinay clone na lang!
Isang Pinay ulit ang gaganap na Kim sa Miss Saigon revival sa London, England isang US-born Pinay na si Eva Noblezada. Bale iyon daw ang first time na lalabas bilang isang professional si Eva at sinasabi ng producer nilang si Cameron Mackintosh na naniniwala siyang kayang gampanan iyon ng bago nilang discovery.
May dalawa pang Pinoy na kaÂsama rin sa revival ng musical sa West End, sina Jon-jon Briones at si Rachelle Ann Go. Actually, maraming PiÂnoy ang nag-audition diyan, mga professional pa ang iba, at ipinagmamalaki nila ang kanilang naging audition pero hindi sila nakuha.
Talagang maraming puÂmuÂÂpunÂtirya na makuha ang role ni Kim sa Miss Saigon, maÂtapos na ang musical ay maging isang malaÂking hit sa West End at Broadway sa New York. NaÂnaÂnalo rin ng katakut-takot na awards ang sikat na stage musical. Pero iyon ang mahirap dahil ang mga naunang performance ang magiging laging batayan ng mga manonood ng musical.
Ilang Pinay na ba ang lumabas na Miss Saigon? Naging alternate ni Lea Salonga noon si Monique Wilson. ’Tapos lumabas din naman sa ganung role si Jenine Desiderio. Pati si Caselyn Francisco ay naging Kim din. Pero tanungin ninyo ang mga tao kung sino ang bida sa Miss Saigon at sasabihin sa ating si Lea Salonga. Kasi nga si Lea ang nanalo ng lahat ng mga award para sa Miss Saigon. Bukod doon, kahit na ibang performers na ang lumalabas sa Miss Saigon, picture pa rin ni Lea ang nakalagay sa kanilang mga poster. Kaya nga kahit na sino pa ang lumabas na Kim, lumalabas na sila ay clone lamang at natural ikukumpara sa original.
Noong araw nga sa London, may mga taong nagtatanong muna kung magpe-perform si Lea sa araw na gusto nilang manood. Kung hindi, hindi sila kumukuha ng ticket. Nangyayari rin naman noon na basta hindi si Lea ang lalabas sa performance, may announcement bago ang simula ng show: “We regÂret to inform you that Miss Lea Salonga is not perÂforming tonight.†Narinig namin iyon nang minsang panoorin namin ang musical.
Masyadong identified kay Lea ang Miss Saigon kaya tingnan ninyo at walang ibang artistang gumanap nun na nakilala. Gano’n din naman si Lea, marami siyang naging performances sa abroad. Lumabas din siya sa Lés Misérablés pero hindi siya matanggap sa ibang roles maliban sa pagiging Kim ng Miss Saigon.
Freddie Aguilar bininyagan nang Abdul Farid para tuluy-tuloy na makalusot sa batas?!
Aba, nagpalit na rin pala ng pangalan si Freddie Aguilar at ang pangalan niya ngayon ay Abdul Farid na, matapos niyang magpabinyag sa Islam para mapakasalan ang kanyang 16-year-old girlfriend.
Ang hindi maganda kay Abdul Farid, may sinasabi pa siyang hindi maganda ngayon laban sa simbahang Katoliko na kanyang pinagmulan. Kesyo hindi raw niya nagustuhan ang pag-aaral ng relihiyon dahil ang nagturo noon ay ang mga Kastila na nagpahirap sa mga Pilipino.
Dapat pangatawanan niya ’yan ha? Sa pagkanta niya ngayon ang gamitin na niyang pangalan ay Abdul Farid. Iyon din dapat ang gamitin niya sa mga recording niya. Kagaya ni Muhammad Ali, noong lumipat sa Islam, pinangatawanan niya iyon. Kinalimutan na niya na siya si Cassius Clay. Basta hindi nagawa iyon ni Abdul Farid, hindi niya mababali ang iniisip ng mga tao na pumasok lang siya sa Islam para makaiwas sa itinatakda ng batas at mapakasalan ang bubot na karelasyon niya. Si Abdul naman oo, kung kailan sisenta anyos na ay saka pa nangatuwiran nang ganyan.
- Latest