Enrique isasama sa Mira Bella ni Julia

Guess who has reportedly been added to the cast nang ang tagal na ring pinakahihintay na series na Mira Bella that will serve as the launch to stardom ng baguhang si Julia Barretto?

Well, we heard, si Enrique Gil. He, however, cannot start work yet on the series because he is preparing for his first solo concert at the Smart Araneta Coliseum, Nov. 29.

A dance concert, Carlo Orosa, his talent ma­nager, said that Enrique is perfecting his dance steps para worth naman daw ang show sa ibabayad ng mga manonood.

So far, Enrique raw is happy and excited with his line of guests, including, we heard, his leading lady in his blockbuster movie She’s the One, si Bea Alonzo, at ganundin sina Kim Chiu, Julia Montes, and Angel Locsin.

Cristine ayaw nang pabalikin ang pamilya sa Marikina pero ayaw ibenta ang bahay na kinalakihan na

Cristine Reyes made sure na bago siya lumipat ng malaking bahay sa isang suburban area in the south of Metro Manila, she made sure na ikinuha niya rin ng matitirhan ang kanyang mommy (former actress Venus Imperial) at mga kapatid. Isang town­house ang pinili niyang matitirhan ng mga ito, katabi ng dating townhouse she used to occupy, too.

Ngayon daw, pinarerentahan ng mommy niya ang dating tinitirhan niyang townhouse. At least daw, addition ito sa allowance which she and her Ate Ara (Mina) give her monthly.

Actually daw, kung ang mommy niya ang masusunod, gugustuhin nitong muling tumira sa Provident Village in Marikina kung saan may bahay nga sila. And now left to the care of a caretaker.

“Kami ang pumigil sa mommy na tumira pa roon. Sobrang trauma ang nilikha, lalo na sa akin at mga kapatid ko, ang karanasan namin noong typhoon Ondoy.

“Kaya ngayong nakakaluwag na ako, sabi ko sa kanya, pakinggan naman niya ang pakiusap ko na huwag nang bumalik doon. Ganun man, nangako rin kami sa kanya ng Ate Ara ko na kahit kelan ay ‘di namin isa-suggest ang ipagbili niya ang bahay.

“Sobra nga kasi ang sentimental value para sa kanya ng bahay. Doon niya kami isinilang lahat ng aking mga kapatid. Doon din kami nagsilaki,” pahayag ni Cristine.

Sobrang nagagandahan daw siya sa bahay na kasalukuyan niyang tinitirhan. Kapag iniisip niya raw na bunga ito ng kanyang kinita sa mga pelikula at tele­seryeng kanyang ginagawa, ginaganahan siyang lalo na magsipag sa kanyang trabaho.

No wonder na wala siyang tinatanggihan na ino-offer sa kanya, mapa-TV o pelikula, basta lang ’di ito magiging detrimental sa career niyang kanyang pinaghirapan.

In her movies, she admits, most of the time ay sexy siya. One best example is her soon to be released drama flick When the Love is Gone where she plays a mistress to an older man, played by Gabby Concepcion. She herself is supposedly married to Jake Cuenca.

Malaking paghamon daw kay Crtistine ang makaeksena sina Alice Dizon at Andi Eigenmann, both acclaimed performers. Inspired by a movie classic, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, directed by the late Danny Zialcita, When the Love is Gone, directed by Andoy Ranay, is Viva Films 36th anniversary offering.

Show comments