Napatay ng kanyang American husband ang moÂdel (minsang na-feature sa FHM) na si Aiko BaÂnigued Moore. Ayon sa mga nakakita sa kanilang pag-aaway ay binugbog ng kanyang mister si misis.
Nadala pa sa ospital ang modelo pero namatay din doon due to head injuries.
Selos ang dahilan ng galit ng ’Kano, na may hinalang may boyfriend ang kanyang misis.
Jodi at Richard engrande ang naging kasal
Naganap na at tinutukan ang kasalang Maya at Ser Chief sa Be Careful With My Heart kahapon. Noon pang January sinimulang iplano ang engranÂdeng kasalan na tumagal ng limang araw ang taping.
Bilang na bilang ni Jodi Sta. Maria ang mga kissing scene nila ni Richard Yap sa teleserye. Naka-sampu na sila bago magpakasal. Ikalabing-isang halik ang kanilang wedding kiss.
Ang kasal ay simula pa lang ng bagong chapter sa hit TV drama. Papunta silang Japan for the honeyÂmoon dahil ang pangarap ni Maya ay pulot gata sa winter.
Surely, wala na silang chaperone sa biyahe this December.
Remastered Anino ni Direk Raymond ipapalabas uli
Ipapalabas uli sa Nov. 18 ang remastered Anino ni Raymond Red sa Cinema One Originals festival.
Ang anino ay nagwagi ng Palme d’Or (highest award or best film) sa short film section ng Cannes International Film Festival noong 2000. Mula sa 35 mm na print ang bagong digitally remastered copy ng Anino.
Sagip Kapamilya nakalikom na ng mahigit P180M
Nakalikom na ng mahigit P180 million ang telethon fund campaign ng ABS-CBN at tiyak na lalaki pa dahil ongoing pa ang kanilang nationwide na pangangalap ng tulong for typhoon Yolanda’s victim.
Hanggang ngayon ma-traffic pa sa Examiner Street, Quezon City sa patuloy na paghahatid ng relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters.
Ryan nagagawa pang magsaya sa pagho-host
Everyday napapanood naÂmin na masaya si Ryan Agoncillo sa pagho-host ng Eat Bulaga. Tiyak na magiging maligaya siya sa GMA 7. Huwag lang pagtatapatin ang kanilang mga show ng misis na si Judy Ann Santos, na nasa ABS-CBN.
Pero alam naman natin ang network battle, kung saan malakas ang intriga ’yon ang kanilang pinupuntirya. Asahan na ang forthcoming away mag-asawa sa TV. Sana hindi ito maging dahilan ng kanilang hiwalayan sa totoong buhay!
Hindi takot sa karma
Aktres na dating nagbulsa ng cash na donasyon, tumatanggap naman ngayon ng mga delata at bigas!
Malakas talaga ang loob ng isang dating aktres, na abala ngaÂyon sa pangoÂngolekta ng mga abuloy at relief goods para sa mga biktima ng bagyo.
Nasiyete na siya noong mga nakaraang calamity na nakakoÂlekta ng mga donasyon sa mga kakilalang mayayaman. Ang kaso, binulsa lang niya ang mga nakolekta.
Ngayon naman, pati canned goods at bigas tinatanggap niya. Tiyak mapupuno ang kanyang cupboards at kitchen! Siya talaga ang personality na kapalmuks at hindi takot sa karma!
Angelica, Phillip, at Cesar napagsama-sama sa indie project na P2M lang
Nakakagulat ang mapagsama ang tatlong mainstream actors sa isang indie project — ang Alamat ni China Doll ni Adolfo Alix, Jr. — sina Angelica Panganiban, Phillip Salvador, at Cesar Montano. Mula sa tatlong major networks, lahat sila ay busy sa mga TV assignments.
Nagawa ito ni Alix, Jr. kaya’t ang kanyang Alamat… ay lahok sa Cinema One Plus section, kasama pa ang apat na entries, na tumanggap din ng P2 million grant sa Cinema One. Sa kuwento ng direktor, wala siyang naging problem sa shooting at natapos ang pelikula sa anim na araw. Magkano naman kaya ang inabono niya sa P2 million?