Mukhang nagkamali nga yata ng comment si Korina Sanchez nang sabihin niyang hindi alam ng CNN anchor na si Anderson Cooper ang kanyang sinasabi. Nag-report kasi si Cooper sa CNN na walang organized relief efforts para sa mga biktima ng bagyo at marami na ang nagugutom.
Marami ang nagsabi na mas naniniwala sila kay Cooper na naroroon mismo sa Tacloban samantalang si Korina ay nasa airconditioned studios lang ng ABS-CBN. Isa pa, obvious naman ang connections ni Korina sa gobyerno kaya ipiÂnagtatanggol niya anuman ang pagkukulang nun.
Pero hindi lang si Cooper. Maging ang MegaÂstar na si Sharon Cuneta ay nagsabi ring nasindak siya nang malaman niyang wala pang relief efforts pagkalipas ng limang araw. Iyong pamahalaan ng US, nagpadala ng relief goods, pero maliwanag na ayaw nilang makikialam sa kanila ang sinumang pulitiko. Mukhang nabalitaan na nilang iyong nauna nilang ipinadala ay napalitan ng sardinas.
Magtulung-tulong na lang tayo dahil wala pala talaga tayong maaasahan. Puro katsang lang.
Cristina nawalan ng maraming ari-arian
Mabuti na lang at nakarating sa Metro Manila ang dating aktres at ngayon ay konsehal sa Tacloban na si Cristina Gonzales Romualdez. Nakapagkuwento siya kung ano ang tunay na nangyari sa kanila sa kasagsagan ng bagyong Yolanda, kung hindi ay sila pa ang nasisisi dahil hindi raw nila napaghandaan ng husto ang paparating na kalamidad.
Pero ano nga bang paghahanda ang maaasahan kung ganoong talaÂgang tinangay ng storm surge ang lahat ng kanilang mga naihanda na? Pati sila kamuntik nang mamatay. Si Cristina ay nawalan ng bahay, nawala ang lahat ng kanilang ari-arian, pero narito pa rin siya sa Maynila at kumakausap ng mga taong makatutulong sa kanila sa Tacloban.
Kawawa ang kanilang sitwasyon sa Tacloban, at ang masakit pa, itinuturo pa ring hindi raw sila nakapaghanda ng tama.
Hindi na ito ang panahon para sisihin ang kahit na sino. Hindi na ito ang panahon para sa pulitika.
Dapat kumilos ang gobyerno bilang isa para matulungan ang mga biktima. Nakakahiya nga eh, mas matindi pa yata ang effort ng pribadong sector at ng mga dayuhan kaysa sa ating gobyerno.
Celebrities mas maaasahan ng tulong
Patuloy na dumadami ang mga artista, mga model, at iba pang celeÂbrities na nagtutulung-tulong para sa mga biktima ng bagyo sa Visayas.
Ngayon, taas noo naming masasabi na nasa showbusiness kami. Ngayon, naipapakita ng mga tao sa showbusiness na pagdating sa ganyang kalamidad, mas marami sa kanila ang tumutulong kaysa sa mga taong may tungkuling tumulong.