^

Pang Movies

Cristina naniniwalang tsunami alert dapat ang ginawang babala, storm surge advisory ‘di naintindihan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang network war kapag kalamidad ang usapan. Naglunsad ng tulong ang major TV networks para sa mga nasalanta ng bagyo at baha sa Visayas.

Matatagalan pa bago makabangon ang mga lalawigan na naapektuhan ni Typhoon Yolanda. Agree ako sa sinabi ni Cristina Gonzales na baka marami sa mga kababayan niya ang nakaligtas kung tsunami alert ang ibinigay na babala ng mga ki­na­uukulan. Mas naiintindihan ng mga Pinoy ang tsunami kesa sa storm surge advisory.

‘Hindi ito ang panahon ng sumbatan’

May open letter na ipinapa-share ang  singer na si Cynthia Patag para kay former First Lady Imelda Romualdez-Marcos at sa mga kamag-anak nito.

Hindi si Cynthia ang author ng open letter. Agree lamang daw siya sa mga nakasaad sa open letter na humihikayat sa Romualdez family na tulungan ang mga kababayan nila sa Tacloban City na biktima ni Super Typhoon Yolanda.

Hindi na kailangan ni Cynthia na i-share ang open letter dahil tumutulong si Mrs. Marcos at ang pamilya nito sa mga nasalanta ng bagyo at baha.

Pamangkin ni Mrs. Marcos ang mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez na asawa ni Cristina Gonzales.

Mahal ng mga Romualdez ang kanilang mga kababayan kaya tutulong at tutulong sila. Hindi na kailangan pa ng open letter na isinulat ng isang “the who”.

Hindi ko sana papatulan ang isyu dahil hindi naman alam ni Cynthia o ng author ng sulat ang nasa puso at isip ng mga Romualdez.

Nakisawsaw na rin ako sa isyu para malaman ng dear readers ng PM ang pinanggagalingan ko. Ito ang sulat para sa kapakanan ng mga hindi pa nakakabasa at pinag-ugatan ng mga emote ko:

“The damage to Tacloban by Typhoon Yolanda was horrific. While many are dead, those still living will suffer even more. Infrastructure will have to be rebuilt. Their economy will have to be revived.

“Your families were more than lucky (take this whatever way you want) in this country’s history. We will not discuss here how lucky you, your family and the Romualdez family got during your husband’s reign. The people of Leyte even convinced themselves that you, your brother and your nephew, Martin Romualdez deserved to be voted into office in the past several years.

“Open your wallets and open them widely. Do not use your pork barrel funds, govern­ment funds and pretend it came from the goodness of your hearts.

“This is your chance to do something good, specially for you Mrs. Marcos.

We are aware you are in your twilight years, and your trips to the hospital have been frequent lately. Do not pass this up.

“Recently, your former secretary, Vilma Bautista, was indicted for selling one of your paintings worth $32M. $32M can do a lot of good in Tacloban, Mrs Marcos!”

Wondering lang ako, hinihikayat ng open letter author si Mrs. Marcos na tulungan ang mamamayan ng Tacloban City. Nagbigay naman kaya ng tulong ang sumulat ng open letter sa mga biktima ni Yolanda o nagpapabibo lamang siya?

Hindi ito ang panahon ng sumbatan at pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Mas mahalaga na magkaisa at magtulungan. Tigilan na ang mga sisihan. Tularan ninyo ang ibang mga tao na nagbigay ng tulong sa abot ng kanilang mga makakaya pero utang na loob, huwag nang sabihin sa publiko ang halaga ng datung na ibinigay ninyo ’no?!

 

ALFRED ROMUALDEZ

CRISTINA GONZALES

MRS. MARCOS

OPEN

ROMUALDEZ

TACLOBAN CITY

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with