Pine-predict na raw ni Vice Ganda na magiÂging box-office hit din ang kanyang bagong pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na filmfest entry ngayong December.
Sa naturang pelikula ay gagampanan ni Vice ang apat na katauhan at aniya, ito raw ang pinakamahirap niyang pelikula so far.
“So far ito ang pinakamahirap na movie kong ginawa kasi apat ‘yung characters ko. ‘Yung bihisan pa lang and prosthetics, maliban pa sa acting, sobrang hirap na. Ang daming effort na kailangang i-exert. Kahit ito ‘yung pinakamahirap na ginawa ko, isa ito sa pinaka-fulfilling,†say ni Vice sa panayam ng ABS-CBN news.
Isa pa raw fulfilling para sa kanya ay makasama ang iniidolong si Maricel Soriano.
“Bilang isang bakla, ang tagal kong fan ni Ms. Maricel Soriano. Ni hindi ko yata naisip na gaÂnito kalapit ko na makakatabi si Maricel Soriano. Sobrang dream come true talaga. ‘Yun nga lang makita ko siya sa personal… masayang-masaya na ako, ano pa kaya yung nanay ko siya sa pelikula?†he said.
Arnold ayaw tigilan!
As we write, two days nang pinag-uusapan at hottest topic sa lahat ng social media sa Pilipinas si Arnold Clavio dahil sa kanyang interview sa legal counsel ni Janet Napoles na si Atty. Alfredo Villamor. Maging sa You Tube, kung saan naka-upload ang video ng interview ay nasa 280,000 na ang views nito and still counting.
Nag-trending din sa Twitter si Arnold sa buong maghapon ng Wednesday since lumabas ang interview sa Unang Hirit that morning at hanggang kahapon, hot topic pa rin ang ginawa niyang pambabastos sa abogado ni Napoles.
Unethical and unprofessional ang komento ng halos lahat sa ginawa ni Arnold. Comment naman ng iba, dapat daw na mag-apologize ang GMA 7 kay Atty. Villamor.
Komento naman ng isang kasamahan sa panulat, ang linaw-linaw daw ng mga sagot ni Atty. Villamor at si Arnold ang hindi nakakaintindi’t paulit-ulit ang tanong at sa bandang huli ay ito pa ang nagalit.
We wonder kung may disciplinary action na gagawin ang GMA 7 laban kay Arnold para naman humupa ang galit ng mga kababayan natin.
Derek hinahasa si Ritz sa pagkikipagtsugihan
Halatang inosente pa si Ritz Azul talaga sa mga daring scenes. Last week kasi sa For Love or Money na serye nila ni Derek Ramsay, may intense lovemaking scenes sila ng aktor at mahahalata sa kilos niya na wala pa siya talagang experience tungkol dito in real life.
Pero siguro nga, talagang kumportable lang siya kay Derek kaya pumayag siyang gawin ito at ayon nga sa mga staff, talaga naman daw napaka-gentleman ng aktor sa eksena dahil inaÂlalayan nito ang leading lady up to the very end of the intimate scenes.
So, that means na si Derek talaga ang nagtuturo para maging bihasa si Ritz sa lovemaking.
Event ng LGBT suportado ni Bistek
Suportado ni Quezon City Mayor Herbert Bautista and World Pride Festival na incidentally ay magsisimula ngayong araw, Nov. 7 and will last until Dec. 7.
Ang Quezon City ang host ng this year ng taunang World Pride Festival na proyekto para sa Filipino Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgender (LGBT) community.
QC Pride Council (QCPC) chairperson director Soxie Topacio said the parade, themed as Celebration of Love which will start at Tomas Morato and will end at the Quezon Memorial Circle, on December 7 will culminate the series of activities slated for the month-long QC World Pride Festival.
“We are inviting a lot of groups and institutions to join the month-long celebration that provides a wide range of activities for people to participate in and help raise greater awareness for the LGBT community and its rights,†pahayag ni Direk Soxie.