^

Pang Movies

Pero hindi raw niya apo sa panganay na si Sancho AiAi magsasalita sa tamang panahon kung kaninong anak ang tinatawag na ‘bunso’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hanggang ngayon ay marami pa ring nagtatanong kay AiAi delas Alas sa Instagram tungkol sa bunso niyang anak na si Seth. Paulit-ulit na ang mga tanong sa kanya at lagi rin niyang isinasagot na bigay ni Lord ang baby sa kanya. Marami raw sa mga nagtatanong ang mga insensitive at nagko-comment pa ng “hindi ka naman nanganak, ah” o “hindi ka naman nabuntis.”

“Parang ’yung iba, insensitive, parang ala­ngan naman na ipangalandakan ko na… Well, may tamang panahon para dyan. Ang liit pa ng bata, kawawa naman,” saad ng comedienne.

May mga naghihinala pa nga na anak daw ng panganay niyang anak na si Sancho ang bata at say nga niya, bakit naman daw niya ililihim kung apo niya ’yun?

“Kasi naman, lalo na noong maliit, kamukhang-kamukha siya ni Sancho. Unang-una, ako pa ba? Bakit ko naman ililihim ’yun? Mas gusto ko pa nga ’yun. At saka, apo ko pa ‘yun, gusto ko kaya,” say pa ni Comedy Queen.

Anyway, ngayong Nov. 11 ang kaarawan ni AiAi at sa halip na mag-party siya ay ibibigay na lang daw niya sa mga biktima ng lindol sa Bohol at sa Cebu.

Bukod dito, aalis daw siya for US ngayong November.

“Actually, may show ako sa Amerika, business with pleasure. Apat na shows na sunud-sunod ’yan e — sa November 22, 23, 24 and then, 30,” balita pa ni AiAi.

Paulo aminadong dumaan sa lungkot at hirap, kumuha ng lakas sa magulang at anak

Natanggap ni Paulo Avelino at nalampasan ang naging problema niya sa puso dahil inisip na lang niya na dinadaanan ito ng lahat ng tao.

“Normal naman talagang pinagdadaanan ’yung nalulungkot ka, nai-in love ka, you fall out of love, and, parang sa akin kasi mahirap din. Kahit sino naman sigurong nalulungkot, nahihirapan. Pero at the end of the day, nandiyan naman ang Diyos, andiyan naman ’yung mga taong sumusuporta sa ’yo, nandiyan ang mga magulang mo, and in my case, kumbaga, may anak din naman ako na nagpapaligaya sa akin. Siguro ’yun ‘yung mga nagtayo sa akin,” say ni Paulo sa presscon ng latest movie niyang Status: It’s Complicated with Jake Cuenca, Maja Salvador, and Eugene Domingo under Regal Entertainment, Inc.

Timing na timing nga kay Paulo ang title ng movie nila dahil nga sa mga pinagdaanan niya. Bagama’t loveless siya ngayon, maituturing pa rin niyang kumplikado ang sitwasyon niya dahil siyempre may anak siya and kung sinuman ang magiging partner niya in the future ay dapat iyong tanggapin.

Cherry Pie at AiAi magti-trip ngayong Araw ng mga Kaluluwa

Iba ang trip ngayong Araw ng mga Kaluluwa (Nobyembre 2) ang gagawin nina AiAi delas Alas, Izzy Canillo, at Cherry Pie Picache sa pagpa­patuloy ng Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best. Mago-ghost at treasure hunting sila!

Sasamantalahin ng isang misteryosong kaluluwa ang tumitinding alitan ng dalawang esperitista na sina Joanna (AiAi) at Lavender (Cherry Pie) upang maikulong ang espirito ng ina ni Joanna at mahanap ang matagal na niyang hinahanap na kayamanan.

Kasama rin nina AiAi, Izzy, at Cherry Pie sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Carla Martinez, Marco Gumabao, Michelle Vito, Jojit Lorenzo, Lui Villaruz, at Tony Manalo. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Erick Salud.

vuukle comment

AIAI

ARAW

ARLENE TAMAYO

CHERRY PIE

NAMAN

NIYA

PAULO

WANSAPANATAYM PRESENTS MOOMOO KNOWS BEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with