^

Pang Movies

Apong wish ni Gov. Vi naudlot na naman

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Maraming nanghihinayang na pinakawalan pa ni Jennylyn Mercado ang pagmamahal na inuukol sa kanya ni Luis “Lucky” Manzano. Tanggap na tanggap sana siya ng binata, kesehodang may anak pa sa iba at may disgusto sa ama ng bata na si Patrick Garcia. May nagbibiro pa nga na isa pa namang matabang isda si Lucky.

Hindi man magsalita ay baka nanghihinayang din si Gov. Vilma Santos-Recto dahil kung kelan malapit na sana siyang magka-apo ay hindi pala magkakatuluyan ang dalawa. Hindi kaya magka-phobia si Luis kapag manligaw uli sa kapwa artista? 

Dennis happy na pinatikim ng matinong papel ni Direk Brillante

Walang beking kinahuhumalingan si Dennis Trillo sa bago niyang indie movie na Sapi. Brusko naman ang papel niya kasama sina Meryll Soriano at Baron Geisler.

Happy daw si Dennis dahil si Brillante “Dante” Mendoza ang director niya. At least, nakatikim siya ng matinong papel na puwedeng ipagmalaki.

Angel biglang mas Lalamig ang Pasko

Mas lalamig ang Paskong darating para kay Angel Locsin. Nagkahiwalay na kasi sila ni Phil Younghusband. Akala pa naman ng marami ay si Angel na ang forever inspiration ng star football player kaya’t ganado sa sunud-sunod na laro ng Azkals sa ibang bansa.

Seloso kaya si Phil kaya sila nagkahiwalay? O baka si Angel?                         

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BARON GEISLER

DENNIS TRILLO

DIREK BRILLANTE

JENNYLYN MERCADO

LUIS

MERYLL SORIANO

PATRICK GARCIA

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with