Cristalle idinenay ang relasyon nila ni Derek

Hindi dapat bigyan ng malisya ang friendship nina Derek Ramsay at Cristalle Belo dahil malapit talaga sila sa isa’t isa. Parang magkapatid ang dalawa pero binibigyan ng ibang kulay ang ka­nilang closeness na hindi naman nakapagtataka dahil dalaga si Cristalle at walang girlfriend ngayon si Derek.

Pero hindi nga totoo ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanila ng hunk actor kaya pinabulaanan ito ng socialite.

Jennylyn isisigaw na ang dahilan ng hiwalayan kay Luis

Ipagdiriwang namin sa Startalk ngayong November ang 18th anniversary ng aming programa.

Malaki ang posibilidad na maging guest namin si Jennylyn Mercado na matagal nang inaawitan ng mga reporter para magsalita at sabihin ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Luis Manzano.

Inaabangan ang pagpapainterbyu ng aktres dahil nauna nang magsalita si Luis na hindi naman ikinuwento ang kumpletong detalye ng breakup nila.

Abangan na lang ninyo ang nalalapit na anniversary celebration ng Startalk dahil baka dito magsalita si Jennylyn.

Zsa Zsa nauna nang dumalaw sa puntod ni Dolphy

Bukas pa ang All Saints’ Day pero dumalaw na kahapon si Zsa Zsa Padilla sa puntod ni Mang Dolphy sa Heritage Park, Taguig City.

Tiyak na dagsa na ngayon hanggang bukas sa Heritage Park ang mga tao na bibisita sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay. Tama nga na nauna nang dumalaw si Zsa Zsa sa puntod ni Mang Dolphy na siguradong dadalawin din ng fans ng King of Comedy.

Malapit lang ang puntod ni Mang Dolphy sa musoleo na kina­lalagakan ng labi ni Rudy Fernandez.

Walking distance naman mula sa puntod ni Rudy ang libingan ng ina ni Janet Lim-Napoles. Hinihiling ni Mama Jenny sa korte na pa­yagan siya na mabisita ang puntod ng kanyang ina sa Heritage Park.

Kung matatandaan nin­yo, sumuko noon si Mama Jenny kay Secretary Edwin Lacierda sa Heritage Park dahil dinalaw niya muna ang libingan ng nanay niya. Mahal na mahal ni Mama Jenny ang kanyang namayapang ina. May handaan sa musoleo ng mga Napoles tuwing ginugunita nila ang kaarawan at kamatayan ng ina ni Mama Jenny.                                        

FPJ hindi pa rin matanggap ng die hard fans na wala na

Tiyak na dadagsain din ng mga tagahanga ang puntod ni Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery.

Kahit hindi All Saints’ Day at All Souls’ Day, mara­mi ang bumibisita sa libingan ni Kuya Ron. Hanggang ngayon, may mga tagahanga si Kuya Ron na hindi matanggap na wala na siya. Ganyan nila kamahal ang nag-iisang King of Philippine Movies.

AJ Perez buhay na buhay sa mata ng iba

 Hindi rin nakakalimutan ng fans nina Rico Yan at AJ Perez na dalawin ang puntod ng mga aktor na namatay sa murang edad.

Eleven years na ang nakalilipas mula nang sumakabilang-buhay si Rico. Buhay na buhay naman ang alaala ni AJ sa bata na naka­tanggap ng kanyang cornea. Na­kakaantig ng damdamin ang eksena na napanood ko sa TV, ang pag-iyak ng tatay ni AJ dahil nakaharap nito ang bagets na nakikinabang ngayon sa paningin ng kanyang anak.

Show comments