Mga artista hindi inisnab ang brgy. election

Hindi ipinagwalang-bahala ng mga artista ang eleksiyon kahapon ng mga kapitan at kagawad sa barangay.

Lumipad si Richard Gomez sa Ormoc City para bumoto dahil registered voter siya sa bayan ng kanyang asawa.

Kinunan ng mga TV crew ang pagboto kahapon ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Bacoor City at hindi puwedeng hindi bumoto si Angelika dela Cruz sa Malabon City dahil kandidato siya bilang barangay chairman. Maingay ang kandidatura ni Angelika dahil idinemanda niya ang isang lalaki na nagtangka na sumaksak sa kanya habang nangangampanya siya.

Bumoto si Papa Joseph “Erap” Estrada sa Maynila dahil siya ang alkalde ng lungsod. Registered voter si Papa Erap sa Maynila mula nang magdeklara siya ng kandidatura at lumipat sa bahay ng mga Legarda sa Sta. Mesa.

Napuntahan ko ang bahay ni Papa Erap sa Legarda noong hindi pa siya ang mayor ng Maynila at na-shock ako sa mga informal settler na nakatira sa paligid. Nandoon pa kaya ang mga informal settler o nailipat na sila ni Papa Erap sa disenteng lugar?                                               

Likas na malinis sa bahay si Papa Erap at ang kanyang pamilya kaya ang maging malinis ang Maynila ang prio­rity niya. Remember, cleanliness is next to Godliness.

Aktres sobrang greedy, kaibigan ng BF muntik mapahamak kapalit ang milyones

Sobrang greedy sa datung ang isang aktres na hindi na active sa showbiz. Nakakalokang isipin na nagawa niya na ipahamak ang kaibigan ng kanyang boyfriend para kumita siya ng milyones.

Nabigo ang balak na masama ng aktres dahil nalusu­tan ng kaibigan ng kanyang boyfriend ang maitim na pla­no niya.

Nakaalis ng bansa ang kaibigan na nangako na hindi na babalik sa Pilipinas dahil sa kanyang traumatic experience. Imposibleng hindi nalungkot ang aktres dahil pera na, naging bato pa. 

EX ni Cristalle na hairstyling expert nagpa-nose job, magkaka-billboard na rin

Matagal nang hiwalay si Cristalle Belo at ang kanyang Lebanese boyfriend na si Moussa Abdayem pero friends sila.

Nang maghiwalay ang dalawa, nagkaroon ng Filipino boyfriend si Cristalle pero humantong din sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Naalaala ko ang love affair nina Moussa at Cris­talle dahil sa kuwento nito na nagparetoke ng ilong ang kanyang ex-dyowa. Siyempre, ang resident doctor ng Belo Medical Clinic ang nag-ayos sa ilong ni Moussa na lalong naging guwapo. Ito ang kuwento ni Cristalle tungkol sa rhinoplasty procedure kay Moussa:

“Moussa just got a nose job! This is what it looked like just one day after the surgery. He iced it for hours that’s why he ended up not bruising. With his deviated nasal septum, Moussa was having a hard time breathing. Dr. Yap, our nose expert, straightened the septum and made Moussa’s nose nicer as well. Today marks one week and the cast will finally be taken out. Can’t wait to see the final results.”

Hindi tayo dapat magtaka kapag nakita natin ang mga billboard ni Moussa sa EDSA dahil ipino-promote niya ang nose procedure ng Belo Medical Clinic.

Hindi naman papayag si Moussa na i-reveal ang kanyang sikreto kung hindi sila nagkaroon ng agreement ni Dr. Vicki Belo, ang big boss ng Belo Medical Clinic.

Saka, may karapatan naman si Moussa na mabigyan ng giant billboards dahil pang-model ang kanyang hitsura. Mas may character pa nga siya kesa kay Hayden Kho, Jr. na nabigyan na rin noon ng Belo Medical Clinic ng mga billboard.

Maraming kaibigan na celebrity si Moussa dahil sa kanyang work sa isang sosyal na beauty salon sa Makati City. Lalaking-lalaki si Moussa pero hairstyling expert siya.

 

Show comments