^

Pang Movies

Luis malas sa love life

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagkatotoo ang hula ng marami, hindi magkakatuluyan sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. Bachelor kasi si Luis, samantalang single mom naman si Jennylyn. Maaaring sa publisidad magkaibigan sila pero halos imposible kung haharap sila sa altar. Iba kasi ang background ni Luis at gobernadora pa ng Batangas ang inang si Vilma Santos. Bukod sa pagiging aktor ay negosyante pa siya.

Pero hindi naman nakikialam si Gov. Vi sa dalawa. Tanggap na nga sana si Jen para sa kanyang binata. May third party kaya? Kung kalian pa naman nalalapit ang Pasko.

Parang hindi lucky sa pag-ibig si Lucky.

Anne nalagpasan na sa aktingan ni Jasmine

Masuwerte ang utol ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith na binigyan ng indie film na Transit at isasali pa raw sa ilang Asian film festivals. Tipong natalbugan niya si Anne.

Marami mang pelikula kasi ang kanyang ate ay dito lang sa Pilipinas napapanood. At kahit indie film lang ay wala pang nagagawa at hindi pa nagkaka-award.  

Vic hindi kinokontra na katulad ni Freddie

Parang walang natuwa at humanga man lang sa pag-expose ng relasyong Freddie Aguilar at ng dyowa niyang 16 years old lang. Hindi raw tino-tolerate ang ganitong pag-iibigan dahil baka pamarisan ng iba.

May mga nagkokomentong baka dahil dala na rin ng kahirapan sa buhay kaya’t payag pakasal ang menor de edad sa senior citizen na folk singer. Pero bakit kay Vic Sotto wala masyadong nagkokomento? Dahil kaya mas sikat si Bossing Vic kaysa kay Ka Freddie? Ay hindi, dahil hindi naman bubot pa si Pauleen Luna at lalong hindi siya mahirap!

ANNE CURTIS

BOSSING VIC

FREDDIE AGUILAR

JASMINE CURTIS SMITH

JENNYLYN MERCADO

KA FREDDIE

LUIS

LUIS MANZANO

PAULEEN LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with