Dennis naghahamon na maglabas ng ebidensiya sa balikan nila ni Jennylyn

Nakausap namin si Dennis Trillo na bida ng Sapi at tinanong kung totoo bang siya ang dahilan ng break up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Totoo bang nag-date sila ni Jennylyn na naging cause ng hiwalayan ng dalawa?

‘Hindi totoo ang mga balitang iyan. Loveless ako ngayon at nakasentro sa aking career. Kung totoo nga na may nakakita na nakipag-date si Jennylyn sa akin, maglabas sila ng ebidensya.’’

May nagtanong din sa aktor kung may pag-asa bang magkabalikan sila ng dating nobya.

‘‘Hindi ko iniisip yan!’’ dagdag pa ng aktor.

Abala ngayon ang aktor sa promosyon ng Sapi na isa pang obra ni Direk Brillante Mendoza.

Direk brillante nag-E-expect na maghahakot ng award ang bagong obra

Isinali ni Direk Brillante Mendoza ang Sapi sa limang film festival sa abroad kung saan umani ito ng papuri mula sa mga kritiko.

Tinitiyak nito na hahakot rin ito ng international award gaya sa Thy Womb.

Ano ang masasabi niya sa Sapi?

‘‘Ang Sapi ay naglalarawan ng buhay ng mga tao sa media na abala sa mga palabas sa kanyang network. Maging ang kanilang obsesyon sa cove­rage ng isang babaeng sinapian ng isang masamang ispiritu. Ito ay kuwento ng may mahinang pananalig sa Maykapal ngunit kumikilala sa ispiritu ng de­monyo. Tulad ng ating pamumuhay, tayo ay na­haharap sa personal nating mga takot kung saan ang pinakamalakas ang siyang nananaig sa ating pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay, gawain at  mga relasyon. Mas kinatatakutan pa natin ang hindi natin nakikita at kababalaghang hindi naman mapatunayan,’’ aniya.

Tampok sa Sapi sina Dennis Trillo, Meryll So­riano, Baron Geisler, at Mercedes Cabral.

Show comments