May nanalo na ng P2 million sa ika-10th season ng Philippine franchise ng game show ng TV5 na Who Wants to Be a Millionaire. At ang naturang contestant na ito ay walong beses nag-audition bago siya naging contestant sa show.
Ito ay si Eduardo Gaeilo Pajinag, Jr., isang 24-year alumnus ng University of Santo Tomas. Siya ang ikatlong big winner sa history ng WWTBAM dito sa Pilipinas.
Isang senior associate for Information TechnoÂlogy Risk and Assurance sa SGV & Co si Eduardo. Nagamit na niya ang lahat ng kanyang lifelines pero sinuwerte pa rin siyang manalo ng malaking jackpot.
Para sa kanyang P2 million question, ang tanong ay: Ano ang pamagat ng poem ni Lewis Carroll na ginamitan ng nonsense words?
Ang tamang sagot na binigay niya ay “Jabberwockyâ€.
Ang dalawa pang nanalo ng P2 million jackpot sa history ng WWTBAM sa Pilipinas ay si Megastar Sharon Cuneta at ang IT professional na si Karl Jonathan Aguilar.
Chariz ayaw Magpatusok ng pain killer pag nanganak
Nasa ika-35th week na raw ang pagbubuntis ni Chariz and in two weeks ay puwede na raw niyang isilang ang panganay nila ng kanyang husband na si Nestor Ng.
Isang baby boy ang magiging baby nila at pinaÂngalanan na nila itong Apollo.
Kakaiba raw ang pakiramdam ng isang expectant mother. Hanggang ngayon daw ay hindi makapaniwala si Chariz na magiging isang nanay na siya.
“Yung feeling hindi ko ma-describe. Super excited kaming mag-asawa. Hindi ko pa rin ma-imagine ang saya kapag nandito na siya at nahahawakan ko na.
“I just feel so blessed,†diin pa ni Chariz.
Mas excited daw ang mister ni Chariz na si Nestor. Wala raw tigil ito na paalahanan ang kanyang misis na mag-ingat sa kanilang first baby.
“Mas lalo kaming naging solid ngayon. Yung bonding namin ay parating kasama ang baby sa tiyan ko.â€
Nagpapasalamat si Chariz dahil marami raw siyang mga nakakausap para bigyan siya ng advice sa pagiging first-time parent niya.
“Lagi kong nakakausap ang aking mommy and daddy, friends na taga-showbiz and non-showbiz.
“Napakamatulungin nila sa aming mag-asawa. Kaya naman ready na ready na kami ni Nestor na maging parents.
“Si Roadfill and si LJ Reyes pinahiram nila ako ng baby stuffs. Nakakatuwa talaga and I appreciate them so much.â€
Kapag dumating na raw ang araw nang kanyang panganganak, as much as possible ay gusto ni Chariz na normal delivery ang mangyari.
“At kung pupuwede, no pain killers sana. Walang droga na ma-involve. Kaya nagpe-prepare talaga ako physically, emotionally, and psychologically.
“Lahat ng libro about giving birth nabasa ko na. Nagyo-yoga ako para maging madali ang paglabas niya.â€
Huli ngang napanood si Chariz sa afternoon teÂleserye na Unforgettable. Nagpahinga muna si Chariz para maalagaan niya ang kanyang pagbubuntis.
Pero kahit na buntis ay nakakapagtrabaho pa rin siya pero sa mga once a week taping lamang na show.
“Kahit na buntis ako ay nakakapag-raket pa rin ako. Nakapag-Bubble Gang pa ako tapos sa Pepito Manaloto. Okey lang sa akin ang mga once-a-week taping. Yung hindi magdamagan ang trabaho.â€
Papabinyagan nga raw nila Chariz at Nestor ang kanilang baby bago mag-Christmas.
Alok na kasal ni Kanye West, mabilis na tinanggap ni Kim Kardashian
Nag-propose na ang Grammy Award-winning rapper na si Kanye West sa kanyang reality show star girlfriend at ina ng kanyang baby girl na si Kim Kardashian.
Naganap ang proposal ni Kanye kay Kim sa loob ng San Francisco’s Major League Baseball Stadium na nirentahan niya para sa 33rd birthday nito.
Sey ng 36-year old rapper kay Kim: “Pleease Marry Meee!!!â€
Mabilis naman na nag-“yes†ang star ng reality show na Keeping Up With The Kardashians.
Isang mamahaling diamond ring ang nilagay ni Kanye sa daliri ni Kim at agad na pinost ito ni Kim sa kanyang Instagram account.
Nagsimulang mag-date sila Kim at Kanye noong April 2012 at meron nga silang baby girl named North West or Baby Norie na pinanganak ni Kim noong June ng taong ito.
It will be the first marriage for Kanye pero ikatlo na ito para kay Kim.