Kapatid ng Kapuso actress na si Rich Asuncion hindi pa nakaka-recover sa trauma ng lindol!

Naawa si Rich Asuncion sa kanyang bunsong kapatid dahil nagkaroon ito ng trauma noong magkaroon ng malakas na lindol sa Bohol kamakailan. Hindi agad niya nakausap ang kapatid noong tumawag siya noong araw na malakas ang lindol sa kanilang probinsiya.

Gusto sana ni Rich na papuntahin na lang ang kanyang pamilya rito sa Manila para maging safe sila. Pero ayaw daw iwan ng mga ito ang kanilang bahay doon at may lola pa siyang ayaw bumiyahe.

Kaya agad-agad na lumipad ang beauty queen-actress papuntang Bohol para malaman kung okay ang kanyang pamilya.

Nakita niya na nagkaroon ng konting sira ang kanilang bahay sa Tagbilaran City pero wala namang nasaktan. ’Yun lang, ang bunsong kapatid niya ay sobrang natakot talaga dahil sa malakas na pagyanig ng lupa. Kaya hindi iniiwan ni Rich ang kanyang kapatid dahil patuloy na natatakot ito dahil sa mga malalakas na aftershocks. Pero umaayos na ang lagay nito nang nag-promise ang ate na hindi siya iiwan.

Nag-organize ang school ni Rich sa Tagbilaran City ng isang fund-raising event para makabigay ng malaking tulong sa mga kababayan nilang nawalan ng kabuhayan at mga tirahan sa Bohol. Tumutulong siya at ang kanyang ibang kapatid sa ilang relief operations sa Bohol.

Nalungkot si Rich dahil sa pagkagiba ng mga lumang simbahan nila tulad ng Baclayon at Loboc Churches. Ilang mga tourist attraction pa sa Bohol tulad ng Chocolate Hills ay naapektuhan din ng malakas na lindol. Dasal na lang ng Kapuso star na muling makabangon ang Bohol at nagpapasalamat sila sa patuloy na pagdating ng maraming tulong para sa kanilang mga kababayan.

Elmo nagpaliwanag kung bakit nawalan ng trabaho

Hindi naman daw worried si Elmo Magalona sa magiging reaction ng fans nila ni Julie Anne San Jose na JuliElmo dahil sa pagtambal niya kay Janine Gutierrez sa remake ng Villa Quintana. Alam naman ng mga ito na kailangan nilang maghiwalay para sa opportunity na makapagtrabaho with other actors.

 Pero nilinaw ni Elmo na wala naman siyang tinanggihan na project nila ni Julie Anne.

Tinanong din si Elmo kung bakit hindi siya kasama sa Sunday All Stars? Sagot niya, gustuhin man daw niya ay mahihirapan siya sa schedule dahil sa kanyang school.

“Kesa naman maging problema ako I said na hindi muna ako sasama sa show. Puwede akong mag-guest naman.”

Demandang sexual assault sa The Voice mentor na si CeeLo ibinasura na ng korte

Nag-plead ng “not guilty” ang singer at mentor ng The Voice na si CeeLo Green pagkatapos siyang sampahan ng demanda ng isang babae na binigyan diumano niya ng ecstasy bago siya makipag-sex dito.

Nag-post ng $30,000 jail bond si Green kasama ang kanyang lawyer na si Blair Berk. Ibu-book daw si Green within 24 hours.

Magkakaroon ng hearing next month si Green at kapag na-convict siya ay puwede siyang makulong hanggang apat na taon sa state prison.

Pero dahil sa kakulangan ng evidence, ibinasura na ang charges kay Green sa reklamong sexual assault.

Confident si CeeLo na malinis ang kanyang konsensiya at wala siyang ginawang masama sa naturang babaeng nirereklamo siya.

Show comments