Freddie Aguilar nagmamalaking nakabingwit ng minor!

May punto naman talaga si Freddie Aguilar sa kanyang stand na tumibok ang puso niya. At totoo nga walang may pakialam anuman ang gawin niya, after all, nasa tamang edad na siya. Sisenta na nga siya eh. Pero tama rin naman ang mga nagsasabing dapat nga siguro ay pag-isipan muna niyang mabuti ang kanyang pinasok na relasyon sa babaeng halos apo na lamang niya.

Maski nga si Archbishop Oscar Cruz, na siyang authority sa mga kasalan, ay nagsabing sa natatandaan niya ay wala pa namang nagkahiwalay na mag-asawa nang dahil lamang sa agwat ng edad, dahil iyon ay isang bagay na pinasok nila at alam nila bago pa man sila nagpakasal. Pero ang sabi nga ng arsobispo, dapat maghintay si Freddie hanggang ma­ging 18 years old ang nobya niya dahil hindi sila maaaring legal na magpakasal sa edad ng dalaga ngayon.

Naiintindihan din naman namin na siguro nga ay nasaktan din ang singer na si Meagan Aguilar dahil sa mga naririnig niya laban sa tatay niya at sa labing-anim na taong gulang na magiging step mother niya kung sakali pero wala naman sa ayos iyong tawagin niyang “morons” ang mga kritiko ng tatay niya. Iningles pa niya eh bakit hindi na lang niya sinabing tunggak? Pero dapat ding maintindihan ni Meagan na hindi karaniwan ang pinasok na relasyon ng tatay niya kaya may nasabing mga kritisismo ang mga tinatawag niyang tunggak.

Hahaba pa ang issue na hindi naman sana napag-uusapan kung hindi rin si Freddie mismo ang naglabas ng mga bagay na ’yan. Siguro nga natutuwa rin siya at gusto niyang ipagmalaki na kahit na 60 na siya ay may napaibig pa rin siyang 16 kaya gano’n.

Hindi niya naisip na maaari nga iyong pagmulan ng kung anu-anong kritisismo. Okay din naman daw sa mga magulang ng bata pero iyon ay bago pa nagkaroon ng mga ganyang kritisismo. Paano ngayon? At saka ano kaya ang epekto nun sa career ni Freddie?

Jennylyn sa Presscon ng kanyang bagong show magsasalita

Hindi pa pala umabot ng dalawang taon. Kulang pa ng ilang araw bago maging dalawang taon ang kanilang relasyon nang mag-split sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. At nananatiling tahimik ang dalawa, iyon nga lang dahil haharap sa isang press conference para sa bagong TV show si Jennylyn sa mga susunod na araw, doon niya siguro gustong paputukin ang kanyang statement.

Pero may narinig na kaming sinasabi raw ng manager ni Jennylyn na lubhang nasaktan ang kanyang alaga sa mga nangyari. Pero siguro naman, hindi iyon malalagay sa magazine ng sampung pahina ka­gaya ng split up nila ni Dennis Trillo, dahil this time hindi naman siya binimbang at kinaladkad ni Luis palabas sa pintuan.

Kung sakali, baka iyan na nga ang magiging pinaka-kontrobersiyal na pakikipag-split ni Luis sa kanyang girlfriend. Lahat naman kasi ng girlfriends niya in the past ay, may nangyari mang hiwalayan, matahimik at walang siraang nangyari. Ewan lang namin ngayon.

Aktres na pinulot ng isang network nagwala nang bawasan ang tf

Ang gusto palang mangyari ng isang network ay bawasan ang talent fee ng isa nilang aktres kaya nagwala iyon. Hindi mo naman masisisi ang network kasi malaki rin naman ang nalugi sa kanila dahil sa kanilang aktres na bukod sa wala nang ratings ang show, kaya wala silang commercials, ay sakit pa ng ulo ng production staff.

Sinasabi na namin eh, noong kunin nila iyon ay nakadampot sila ng batong pamukpok sa ulo nila, eh ‘di ngayon natitikman nila ang bunga ng pamumulot nila.

 

Show comments