Kristoffer Martin at Barbie Forteza bibida sa Maynila

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Ok­tubre 19), muling mapapanood ang Kahit Nasaan Ka Man lead star na si Kristoffer Martin sa isa na namang nakakakilig na episode ng Kapuso weekend series na Maynila.

Sa ikatlong linggo nang pagbida ni Kris­toffer sa Maynila ngayong Oktubre, makakatambal naman niya  si Barbie Forteza sa episode na My Brother’s Lover.

Gagampanan ni Kristoffer ang role ni Allen isang binatang may kapatid na may brain tumor. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na may pagtingin ang kapatid sa kasintahang si Jenny (Barbie). Upang maging maligaya ang mga huling sandali ng kapatid, pakikiusapan ni Allen si Jenny sa magpanggap na mahal din niya ang kapatid.

Ngunit paano kapag nalaman ng kapatid ni Allen ang balak niya? Ano ang mangyayari sa pag-iibigan nina Allen at Jenny?

Mapapanood ang Maynila tuwing Sabado ng umaga pagkatapos ng Sarap Diva sa GMA.

Show comments