Nalululungkot si Ara Mina dahil sa nangyari sa relasyon ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes sa boyfriend nitong si Derek Ramsay. Say ng ate, ramdam niya ang lungkot ng kanyang nakababatang kapaÂtid kaya nananahimik muna ito sa ngayon. Alam niyang mahal na mahal ni Cristine ang aktor kaya pinapabayaan niya munang mag-emote ito ng mag-isa.
“Ayoko namang makialam muna sa kanya. Kapag ready na siyang magsalita about it, doon na kami mag-uusap. Sa ngayon I respect her feelings. Dumaan din naman ako sa ganyan at mas gusto munang sarilinin ang lahat.
“Kapag okay naman na siya, siya na mismo ang lalapit sa akin at magkuwento,†diin ni Ara.
Lahat naman daw ng naging boyfriends ni Cristine ay nakasundo ni Ara. Si Derek daw ay mabait at gustung-gusto ito ng kanilang ina.
“Mabait at very respectful si Derek. Ang gusto ko sa kanya ay kahit na wala na sila ni Cristine, gusto niyang maging magkaibigan pa rin sila.
“Saka nababasa ko naman ang mga sinasabi niya sa press. Wala naman siyang sinasabing naging dahilan ng paghihiwalay nila. Napaka-gentleman niya for doing that,†puri pa ni Ara.
Kasama pala si Ara sa drama series ng TV5 na The Gift na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid. Na-postpone ang airing nito dahil sa pagbibigay ng istasyon ng oras para sa Philippine Basketball Association (PBA).
“Short lang ang role ko rito pero maganda ang series. Matagal ko nang hindi nakatrabaho si Ogie ever since nawala ako sa Bubble Gang. Kaya magandang reunion show namin ang The Gift,†sabi ni Ara.
Direk Jason Paul hindi akalaing aabot sa int’l filmfest ang ginawang indie film
Dahil sa critical success ng indie film na Babagwa (The Spider’s Lair), dadalhin ito sa dalawang international film festivals. Una ay sa Warsaw International Film Festival in Poland at pangalawa ay sa Hawaii International Film Festival.
Sa Hawaii ay maku-compete ang Babagwa sa Halekulani Golden Orchid Award in the Narrative Category.
Kelan lang ay dinala ang Babagwa sa Vancouver International Film Festival in Canada.
“I’m very happy and excited, of course. I made ‘Babagwa’ without thinking of foreign festivals.
“Local audience lang talaga ang main target ko. Nung nalaman ko na kasali siya sa international filmfest, ’tapos competing pa, mas lalo akong naging excited kasi makakapunta ako sa mga bansa na hindi ko pa napupuntahan,†say pa ng direktor ng Babagwa na si Jason Paul Laxamana.
Magkakaroon nga ng screening ang Babagwa sa Oct. 17 sa Natividad Fajardo Auditorium of De La Salle University in Taft Avenue, Manila.
Mga bida ng Babagwa sina Alex Medina, Joey Paras, Alma Concepcion, Chanel Latorre, Kiko Matos, Nico Antonio, Sunshine Teodoro, at Garry Lim.
Marilyn Monroe pinagkakaguluhan pa rin sa mga pinagdaanang medical record sa pagpaparetoke
For auction na ang old photos, medical records, at X-rays ng Hollywood icon na si Marilyn Monroe noong kasalukuyang dumadaan ito sa plastic surgery.
Makikita ang original na mukha at X-ray ni Marilyn bilang si Norma Jean Baker at ang pag-transform niya sa bombshell na si Marilyn Monroe.
For auction na ang naturang collection na ito sa Julien’s Auction House in California, USA. Ang mga documented medical records na ito ay pag-aari ng sikat na Hollywood plastic surgeon na si Dr. Michael Gurdin noong 1950 hanggang 1962.
Sa mga X-ray ay makikitang nagpalagay ng cartilage implant si Monroe dahil sa chin deformity in 1950. Nagkaroon din ito ng small fracture sa ilong kaya dumaan ito sa isang slight rhinoplasty.
“Nobody really thought about Marilyn Monroe having plastic surgery. It was always speculation — did she or didn’t she?†sey ni Martin Nolan, executive director of Julien’s Auctions.
“They thought she was such a natural beauty… They didn’t want to believe.â€
After ng announcement tungkol sa auction, marami na ang nag-bid na umabot na sa higit na $20,000 to $30,000. Most of the bidders ay galing pang Ireland, England, at Australia.