^

Pang Movies

Kaya hindi pa puwedeng magpatali Marian takot atrasan ng mga milyones na endorsements

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Matatag ang desisyon ni Marian Rivera na ayaw muna niyang pakasalan si Dingdong Dantes. Baka naman takot lang siyang umayaw ang mga produktong kanyang ini-endorse kapag nag-asawa na siya. Lilipad nga naman ang milyones na kinikita ng bawat isa.

Ang say naman ng mga intrigera, paano pa magpapakasal kung pinag-isang dibdib na ang dalawa, sa isang sikretong seremonya?

Naku, huwag ninyo akong titigan. Wala akong kinalaman diyan. Wala akong authority na mag-pakasal ng mga parehong tunay na nagmamahalan kahit tagung-tago lang.

At least secure si Marian, kahit nga walang kasal!

EWTN nakapagpalimot ng mga problema sa intriga at korupsiyon

Ang feeling namin ay nandoon mismo kami sa Fatima, Portugal sa simple pero banal na pagdiriwang ng kapistahan ng apparition ng Mahal na Birhen sa nasabing lugar. Ang nakakita sa Birhen ng Fatima, tatlong mga batang matibay ang pananalig sa Diyos at pagsampalataya sa Mahal na Ina ng Panginoong Hesukristo.

Milyones ang mga taong nag-pilgrimage sa Fatima upang saksihan ang mga banal na seremonya ng pagdiriwang, kasama ang prusisyon na ang mga lumahok at umilaw ay mga deboto sa bansang iyon at ang mga pilgrim mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Very convenient na merong broadcast ang EWTN (Eternal Word Television Network ng mga Katoliko) sa ating bansa. Lahat ng kaganapan ay malinaw na nasaksihan pati na ang audience with Pope Francis I at ang sumunod na banal na misa.

Lubos ang ating naging pag-unawa sa celebrated miracle of the blessed Virgin Mary in Fatima, sa mabusising primer tungkol sa milagro, pati na ang buhay at nangyari sa tatlong batang visionary sa pangunguna ni Sister Lucia na canonized na bilang Santa.

Mula madaling-araw noong Linggo, hanggang tanghali na, nakatutok pa kami sa EWTN.

Magandang simula ng buong linggo, na ang nasa isip ay pagpapasalamat sa Diyos, pagsampalataya sa Poong Hesus, at pagsamba sa Mahal na Birhen ng Fatima. Kahit mga ilang oras lang, nakalimutan namin ang mga intriga at lahat ng korupsiyon na kung minsan ay pumipigil sa pag-ikot ng lahat ng panig ng buong daigdig.

CPA kinailangan sa pagbusisi ng deserving OPM artists

Masaya at konti lang ang ‘‘pag-aaway” o pagtatalo ng mga kasapi ng Phi­lippine Movie Press Club sa mahabang deliberation for the Star Awards for Music last Saturday afternoon sa Food Republique nina Boy Abunda at Boy So ng La Carmela de Boracay.

Malinaw at nauunawaan ng lahat ang pagbibigay ng depensa sa mga Pinoy artist na gusto ng members ay magwagi sa ika-limang taon ng annual Star Awards for Music.

Merong mga surprise winner, pero deserving naman, nang malaman namin ang mga nagwagi after the counting of the votes supervised by a lady certified public accountant. Siyempre kailangan ang isang C.P.A. na tagalabas sa pagta-tally ng mga boto upang sigurado na malinis ang ginawang proseso.

We still tell you all about the details tomorrow, kasama na ang coverage sa star-studded 5th Star Awards for Music awards night na ginawa sa Solaire Resort & Casino, produced by Tess Celestino’s Airtime Marketing and to be shown on ABS-CBN’s Sunday’s Best, sa darating na Linggo, Oct. 20.

Norte ni Direk Lav gustung-gusto sa German filmfest, panalo!

Congratulations sa Norte: Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz na nagwagi ng top prize sa katatapos na Nuremberg International Human Rights Film Festival sa Germany!

Unanimous ang naging hatol ng mga hurado para sa Norte, na ang sabi nila ay epic in scope at malinaw ang kahusayan ng mga pagganap ng mga artista sa mga papel tungkol sa kanilang malagim na istorya sa apat na oras na obra maestra.

AIRTIME MARKETING

BIRHEN

BOY ABUNDA

BOY SO

DINGDONG DANTES

FATIMA

NORTE

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with