Hinahanda na ni Elmo Magalona ang kanyang sarili para sa role na Isagani sa TV remake ng ‘90s drama series na Villa Quintana.
Si Keempee de Leon ang original na gumanap bilang si Isagani sa naturang serye at nanalo pa siya noon ng best actor in a drama series award.
Inalam na ni Elmo ang character ni Isagani at na-challenge nga siya sa kanyang mga nalaman.
“Magpapaitim din ako para maging credible akong magbubukid sa teleserye,†sabi ni Elmo.
Sayang nga at walang pinapanood sa kanila na mga footage ng Villa Quintana dahil wala silang makuha kahit sa YouTube.
“Kaya ‘yung character profile na lang ang pinag-aaralan namin. Mas gusto raw nila na fresh ang approach namin,†rason ng young actor.
Pinasasalamatan ni Elmo si Direk Maryo J. Delos Reyes dahil ito ang nag-recommend sa kanya para gumanap sa leading man role in Villa Quintana.
“Natuwa naman ako when I learned that he recommended me for the role of Isagani. It means na may nakitang bago sa akin si Direk Maryo kaya confident siya na kakayanin ko ang role sa Villa Quintana,†sabi ni Elmo.
Si Janine Gutierrez ang gaganap sa role ni Donna Cruz bilang si Lynette Quintana at siya nga ang bagong ka-love team ni Elmo.
Nagkatrabaho na sila before sa teen series na Together Forever pero magkapatid ang role nila.
“Ngayon lang kami nagkakakilala ng husto and we both want this team up to work. During the workshop, nag-usap kami na gusto naming maging successful itong series,†pahayag ni Elmo.
Unang impression niya kay Janine ay mabait ang dalaga at mukhang madaling makatrabaho.
Marita Zobel ‘di tunay na apo ang kasama sa nag-click na commercial
Marami ang natutuwa kapag napapanood ang TV commercial ng McDonald’s na bida ang veteran actress na si Marita Zobel at ang isang cute na batang babae na gumaganap bilang apo niya.
Sa isang interview kay Marita, sinabi niya na hindi niya tunay na apo ang batang kasama niya sa McDonald’s commercial. Sa set nga lang niya nakilala ang bata at mabilis naman silang nagkasundo.
In real life naman kasi ay lola na ang dating LVN star sa 12 apo mula sa kanyang anim na anak. Nabiyuda siya sa kanyang mister two years ago at ang pakikipaglaro sa kanyang mga apo ang kanyang mga tinatawag na treasured moments.
Noong kunin siya para sa konsepto ng McDonald’s commercial tungkol sa isang lola at apo, pumayag si Marita na gawin ito dahil hindi niya akalain na sa kanyang edad ay magkakaroon pa siya ng TV commercial.
Sa edad na 72, aktibo pa rin si Marita sa pag-arte at suki siya sa mga teleserye ng tatlong TV networks. Napanood ang aktres sa Enchanted Garden ng TV5 at Munting Heredera ng GMA 7.
Nag-artista si Marita Zobel (Mary Ann Blanch Respall in real life) noong 1957 pagkatapos niyang maging contract star ng LVN Pictures.
Sina Charito Solis, Nida Blanca, Nestor de Villa, Mario Montenegro, Gil de Leon, Armando Goyena, Rosa Rosal, Sylvia La Torre, at Delia Razon ang mga kasabayan ni Marita noon sa LVN.
Jonas Brothers kinansela ang concert tour, magkakapatid matindi ang away
Na-cancel ang nalalapit na concert tour ng Jonas Brothers dahil hindi na raw sila nagkakasundong magkakapatid.
Ayon sa People magazine, nagkaroon ng hindi magandang pagtatalo sina Kevin, Nick, at Joe Jonas sa magiging direksiyon ng kanilang banda. Kaya imbes na masira pa ang kanilang image, they decided to call off the tour.
Sumikat ang bandang Jonas Brothers noong 2005 at naging big hit ang kanilang Disney Channel movie na Camp Rock.
Kasalukuyang tinatapos nila ang kanilang 5th studio album, V, pero dahil sa kanilang hindi pagkakasundo, hindi alam ng kanilang representatives kung ano ang magiging kapalaran ng kanilang bagong album.