Inamin ni Alice Dixson na noong 18 years old siya at nagsisimula sa showbiz ay hindi siya magaling sa kanyang pinasok na trabaho.
Nagsimula sa showbiz si Alice noong 1986 dahil sa kanyang pagiging Palmolive Girl sa classic na “I Can Feel It†TV commercial at sa pagkapanalo niya bilang Bb. Pilipinas-International.
Una niyang naging pelikula ang Bobo Cop bilang leading lady ni Joey Marquez at na-launch siya bilang lead actress naman sa pelikulang Dyesebel.
Kinumpara ni Alice ang sarili niya sa kanyang co-star sa TV5 primetime series na For Love or Money na si Ritz Azul na mas agresibo raw ito at mas marami nang nalalaman kumpara noong kaedad niya ito noon.
“I was awful! I was a bad actress!†sabay tawa niya.
“Marami akong hindi alam noon. Basta pinasok ko ang showbiz without knowing what to do and how to handle it.â€
Mabuti na lang daw at at may “very good directors†na nagtiyaga sa kanya.
“And I was able to survive showbiz and if not for the struggles that I went through siguro wala ako ngayon dito sa harapan ninyo.
“There were people who believed in what I do because they saw something special in me.
“Kahit na marami akong pintas na nakuha before it didn’t bother me at all. I’m not the type who would quit that easy. I was determined to finish what I started,†kuwento pa ng beauty queen-actress.
Nakikita ni Alice na sobrang seryoso si Ritz sa pag-aartista kaya hanga siya sa young actress.
“I first worked with her in Glamorosa. And doon pa lang, I knew that she is a hardworking person.
“Tapos dito nga sa For Love or Money, mas mature na siya and she’s a lot better now than that last time I worked with her,†obserbasyon ni Alice.
Ibang-iba raw talaga ang pag-alaga sa mga artista ngayon kumpara noong panahon ni Alice noong ’80s.
“Iba na ang mga artista ngayon kumpara sa amin noon. Ngayon they are backed up by big TV networks.
“But just the same, I am thankful to TV5 for giving me another project. Hindi sila nagsasawa sa akin, ’di ba?â€
Ang For Love or Money ang second primetime series ni Alice with Derek Ramsay. Una silang nagsama sa Undercover na siya ang kontrabida ni Derek.
Daniel naudlot maging kapamilya
Hindi natuloy ang paglipat sana ni Daniel Matsunaga sa ABS-CBN dahil meron pa siyang kontrata sa TV5.
Isa siya sa mga ipinakilala sa trade launch ng TV5 kamakailan at inaayos pa ang magiging next show niya. Huli nga siyang napanood sa Misibis Bay.
Kahit na may guaranteed contract si Daniel sa TV5, non-exclusive naman daw ito kaya puwede siyang lumabas at tumanggap ng raket sa Dos. In fact, pirmi siyang guest sa talk show ni Kris Aquino na Kris RealiTV at nakasama siya sa Star Cinema-produced movie na She’s the One na bida sina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.
Natsitsismis sila ni Kris pero pinabulaanan ng Brazilian-Japanese male model-actor ang mga tsismis.
“No, that’s not true. Always mabait si Kris and I really appreciate all the blessings God has given me.â€
Halle Berry nanganak uli sa edad na 46
Nanganak na sa kanyang baby ang Oscar-winning actress na si Halle Berry noong nakaraang Oct. 5.
Masayang-masaya ang kanyang husband, ang French actor na si Olivier Martinez dahil sa kanilang baby boy.
Nakita na raw ng five-year-old daughter ni Halle na si Nahla ang kanyang baby brother nang bumisita ito sa Cedars-Sinai Medical Center in Los Angeles, California.
Ayon sa People magazine, hindi raw umalis sa tabi ni Halle ang kanyang mister.
“Olivier hasn’t left Halle’s side. Nahla visited her baby brother earlier today,†sabi pa sa mag.
Natuwa si Halle dahil sa panibagong miracle sa buhay niya:
“Nahla’s really happy. Not long ago she asked God for a little sister but I tried not to get her hopes up. At 46, I didn’t know if I’d be able to get pregnant again.
“This pregnancy is like a miracle for me, an amazing gift, because this child was as wished for as it was expected.
“It’s like a renewal of life ... Good things happen too.â€