^

Pang Movies

Miriam natagpuan na ang hinahanap na happiness, magpapakasal na sa Pinoy book writer­

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

After seven years, natagpuan na ni Mi­riam Quiambao si Ardy Roberto, ang mhin na pakakasalan niya at pinili na makapiling sa habambuhay.

Pitong taon na ang nakalilipas mula nang makipaghiwalay si Miriam sa kanyang Ita­lian husband na si Claudio Rondinelli. Dalawang taon lamang ang itinagal ng kanilang pagsasama (2004-2006) sa Hong Kong pero hindi sinabi ni Miriam ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila. Nalungkot ang common friends ng dalawa dahil witness sila sa beach wedding nina Claudio at Miriam noong 2004.

Hindi ako sure kung based pa rin si Clau­dio sa Hong Kong. Basta ang alam ko, may restaurant/bar business siya sa Hong Kong. Year 2006 nang bumalik si Miriam sa Pilipinas para i-resume ang kanyang showbiz career dahil hindi naging successful ang married life niya.

Thirty eight years old na ngayon si Miriam. Engaged na sila ni Ardy at mukhang natagpuan na niya ang hinahanap na happiness.

Maraming showbiz personality ang na­kaka­kilala kay Ardy na author ng mga libro na may pamagat na Heart of Hea­ling at Ang Pera na Hindi Bitin. Hindi puwedeng i-deny na matalino si Ardy dahil sa kanyang achievements at track record. Ang mga katulad niya ang tiyak na makakasundo ni Miriam na tahimik pero may itinatago pala na inspirasyon.

May nagkuwento sa akin na may anak na lalaki si Ardy at nangyari ang proposal niya kay Miriam noong Linggo. Saksi sa proposal ni Ardy kay Miriam ang mag-asawang Anthony at Maricel Pangilinan.

Whirlwind courtship ang nangyari sa dalawa at nasorpresa si Miriam sa proposal ni Ardy na tinanggap niya agad. Nasa legal age na si Miriam para lumagay sa tahimik sa pangalawang pagkakataon.

Aktres na nagsalita ng masasakit, nalamatan ang friendship sa mag-asawang kumpare at kumare

May tampo sa isang aktres ang kanyang kumare na na-hurt sa mga pinagsasabi niya. Huli na para bawiin ng aktres ang masasakit na salita na binitiwan dahil nakarating ito sa kanyang kumare at sa mister nito.

Hurt na hurt ang mag-asawa na may koneksiyon din sa showbiz dahil hindi nila akalain na magi­ging taklesa ang aktres. Kahit humingi ng sorry ang aktres, nagkaroon na ng lamat ang kanilang friendship at siya ang dapat sisihin. Bago siya nagbitiw ng masasakit na salita, tiningnan muna dapat ng aktres ang sariling bakuran dahil marumi rin ito. Sa totoo lang, nag-boomerang agad sa aktres ang mga paninira niya sa kanyang kumare at kumpare.

Derek at Cristine hindi puwedeng mag-away, may tinatapos na pelikula

Hindi puwedeng iwasan nina Derek Ramsay at Cristine Reyes ang isa’t isa dahil magkasama sila sa isang project ng Viva Films na comeback movie ng direktor na si Elwood Perez.

Kung mag-iiwasan sila, hindi matatapos ang pelikula at hindi ito papayagan ni Boss Vic del Rosario.

Kung naging magkaibigan sina Cristine at Rayver Cruz pagkatapos ng kanilang breakup, puwede rin na maging friends uli sina Cristine at Derek.

Off the record hindi uso sa controversial personality

Magkikita kami ngayon ng isang controversial personality. Maitatanong ko na ang lahat ng mga gusto kong itanong.

Siyempre ikukuwento ko sa inyo ang mga mang­­yayari sa aming pag-uusap. Hindi uso sa con­tro­versial personality ang off the record na salita. Knowing him, sasagutin niya ang lahat-lahat ng mga isyu na ipinupukol sa kanya kaya abangan ninyo ang mga pahayag ng kontrobersiyal na personalidad.

vuukle comment

AKTRES

ARDY

CRISTINE

HONG KONG

MIRIAM

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with