MANILA, Philippines - Sa gitna ng pagpapatawa, napaiyak si Rufa Mae Quinto habang nagko-co-host kay Willie Revillame sa Wowowilie. May dalawang contestants kasi na taga-Zamboanga at nabanggit na sobrang worried sa kanilang pamilyang biktima ng gulo roon pero hindi makauwi dahil walang pamasahe.
Naging emotional din si Rufa Mae dahil kung kelan daw aliw na aliw na siyang mag-host ay saka naman matitigok sa ere ang noontime game show ng TV5. Alam ng sexy comedienne, maraming mawawalan ng job kapag nawala ang show. Lalo ang mga tagahanga na sumusugod sa show para makasali sa pakontes na puwedeng manalo ng cash.
Vivian parang nakikita
ang katawan kay Jessy
Aliw na aliw pala ang Body Beautiful na si Vivian Velez kay Jessy Mendiola sa set ng Maria Mercedes. Para raw niyang nasasalamin ang whistle-bait figure niya noon sa young actress. Pero seksing-seksi pa rin naman si VV ngayon.
Idi-display lahat ngayon ng aktres sa remake na teleserye ang mga signature niyang damit na nabili sa ibang bansa noon. Hindi naman daw niya ito ipinagyayabang kundi kailangan din sa istorya.