^

Pang Movies

After 36 years sa showbiz Sharon tuwang-tuwa na nakapag-luka-lukahanat tanga-tangahan na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Mahal na mahal ko si Bebeth, sana forever na ito,” tukoy ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa role niya as kagawad Bebeth na naging barangay chairman sa Madam Chairman, ang first dramedy barangay serye ng TV5. 

“First time ko itong ginawa na nag-let go ako, my chance to be funny. Noong una worried ako kasi baka hindi ko maibigay ang hinihingi ng character ni Bebeth dahil nasanay naman ako talagang mag-drama. Pero sabi ni Direk Joel (Lamangan), be yourself, ilabas mo ang frustrations mo sa character mo. At siya ko namang ginawa. Never in my life, for 36 years, na ginawa ko ito. Kung ano iyong ginagawa ng isang ordinary nanay na naging chairman ng barangay, ginawa ko. Marunong na nga akong magluto ng halayang ube at naranasan ko talagang pagpawisan habang naghahalo nito, na na-enjoy ko naman. Wala rin akong problema sa taping namin dahil lagi kaming masaya, everybody, tawag sa akin madam at ang mga gumaganap kong mga anak mommy talaga ang tawag sa akin.

Nagpasalamat din ang Megastar na pareho silang Cinderella ni Direk Joel kaya wala siyang problema sa dating kinatatakutan na magdamagang taping ng soap dahil before midnight ay tapos na silang mag-taping. Basta ang promise niya sa mga manonood, gabi-gabi (7:00 p.m.), simula sa Lunes, Oct. 14, magugustuhan talaga ang kanilang show. 

“Akung-ako si Bebeth na hilarious, nagluka-lukahan ako, nagtanga-tangahan dito, pero makikita ninyo na bilib ako sa show na dinibdib ko at makikita ninyo iyon sa screen,” pag-amin pa ng singer-actress.

Thankful and honored si Sharon na first time niyang naka-attend ng presscon na naroon ang TV5 president and CEO na si Noel Lorenzana at ang TV5 Entertainment head na si Wilma Galvante. Iba raw ang respeto kapag ang leaders ay bibigyan ka ng reason para mahalin sila. 

Ayon kay Mr. Lorenzana, masaya siya na una niyang naka-close si Sharon at napanood na niya ang pilot episode ng Madam Chairman at makikita ang good side ng isang Pilipino na kahit nahihirapan ay tumutulong pa rin sa kanyang community. 

Bukod sa Madam Chairman, masaya rin si Sharon sa kanilang The Mega­star and the Songwriter ni Ogie Alcasid tuwing Linggo, 9:00 p.m. Natanong si Sharon kung may chance ba na maimbita niya sa show ang anak na si KC Concepcion. Gustung-gusto raw niya pero kung hindi papayagan, maiintindihan naman niya.

Bago rin natapos ang interview kay Sharon after the presscon, may mga nagbiro sa kanyang entertainment press kung hindi raw ba siya mag-iimbita para sa organic farm and fish pond nila ng husband na si Sen. Kiko Pangilinan. Wala pa raw silang bahay doon pero magpapatayo muna sila at kapag natapos iyon, mag-iimbita siya, like in old times.

           

 

 

vuukle comment

BEBETH

DIREK JOEL

KIKO PANGILINAN

MADAM CHAIRMAN

MEGASTAR SHARON CUNETA

MR. LORENZANA

NOEL LORENZANA

OGIE ALCASID

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with