Showbiz couple hiwalay lang pala sandali, aktres maglalabas kasi ng pelikula na iba ang kapareha

Sanay na tayo sa mga showbiz gimmick kaya nang kumalat na hiwalay na ang sizzling hot couple, tumaas lang ang ating mga kilay, kasabay ng pagkibit-balikat.

Very convenient nga naman ang kanilang sudden breakup when, just a few days ago, sumusumpa sila na lampas langit ang pagmamahalan. Hiwalay lang sandali habang papalapit na ang playdate ng movie ng aktres na hindi ang current boyfriend niya ang partner.

Inaasahan na after the showing of the movie, back to each other’s arms ang dalawa, na imposibleng pagbintangan na nagtikiman lang!

Dahil kay AiAi, Anne pinag-aaralan nang magpatawa

Very excited si Anne Curtis sa pagtatambalan nilang pelikula ni AiAi delas Alas, Ang Cute ng Ina Mo. Ngayon pa lang pinag-aaralan na ni Anne ang character niya sa bagong assignment, pati na ang buong script.

‘‘Dapat kasi sa comedy, perfect ang ti­ming at natural ang delivery ng linya,’’ say ni Anne. ‘‘Kung hindi kasi, mahirap matawa ang audience at sasabihan ka pa ng corny.’’

Maaaring simulan ang movie with AiAi pagkatapos ng ginagawa niyang internatio­nal film.

Nalaman kaya ni Anne ang total gross ng Kung Fu Divas na movie nila AiAi at Marian Ri­vera? Wala kasi kaming nakitang lumabas na actual figures.

Sex video ng aktor at young actor mabilis na nabura paglabas sa Internet

Mga tsupatid, may lumabas ng sex video ng isang aktor na matagal ng favorite sa mga blind item. Ang M2M footage ay napanood na partner niya ang isang young actor noon.

Ang sabi, napigilan agad ang pagkalat nito at biglang inalis sa Internet. Sa mala-kidlat na bilis ng mga baklesh, wala man lang nakapag-download? Dapat makita natin upang tayo’y maniwala.

Dennis walang balak pumatol sa menor de edad

Open sina Bea Binene at ibang underaged starlets na crush nila si Dennis Trillo.

Kaya biglang kumanta ng Go Away Little Girls ang malakas ang appeal na aktor. ‘‘Hindi ako pumapatol sa mga menor de edad,’’ agad na pahayag ni Dennis.

Well, maghintay na muna kayo ng a few years, bago kayo magpakitang muli kay Dennis. By that time, hindi pa naman siguro nadadagdagan ang baby ni Dennis, born out of wedlock.

Carla masama ang loob sa pagtigil ng show

Masama ang loob ni Carla Abellana sa pagtatapos ng My Husband’s Lover. Naku iha, alisin ang sentimiento de asukal sa GMA. Buti nga hindi pa lumaylay ang inyong show at hindi pa bumababa ang rating nito.

Kung patatagalin pa, baka pati ang rating mo as a drama actress, bumaba na rin. Ngayon you are more than ready for another very challenging assignment.

Sharon nawawalan ng poise at napapapatol kapag pulitika ang usapan

Lalong umayaw sa pulitika si Sharon Cuneta sa tangkang pagsangkot sa kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan sa pork barrel scam.

Kahit siya ay isang full-blooded Cuneta at ang kanyang ama na si yumaong Pasay City Mayor Pablo Cuneta ay one of the most unforgettable public ser­vants in history, nananaig pa rin sa sistema ng Megastar ang kanyang pagiging artista.

Higit siyang sanay sa mga intrigang showbiz, na kayang-kaya niyang harapin.

Sa politics agad siyang nagre-react at hindi mapigilan ang sarili. Agad nawawalan ng poise at pumapatol.

Raymond natatakot na matsugi agad ang talk show

Sa presscon for the repeat of Martin Nievera’s 3D live concert on Nov. 22, nag-cover si Raymond Gutierrez for his new show, Showbiz Police. Natakot siya na baka magsarang bigla ang palabas dahil kasama roon si Cristy Fermin.

Lahat kasi ng mga sinimulang talk show ni Fermin, natigbak sa TV5.

Show comments