MANILA, Philippines - Dahil sa kinasasangkutang kontrobersiyal hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa gobyerno kung saan ay isa si Sen. Bong Revilla, Jr. sa nadadawit ay pinili nitong mag-back out at huÂwag nang ituloy ang role na gagampanan niya bilang EduarÂdo V. Manalo, Iglesia ni Cristo’s executive minister, sa epic film na Ang Huling Sugo (The Last Messenger).
Nagdesisyon ang aktor at pulitiko na huwag na itong ituloy para huwag nang madawit ang paÂngalan ng pinuno ng Iglesia.
“Naisip niya na ’pag itinuloy niya ’yung role, baka lahat ng kontrobersiya na ipinupukol sa kanya ngayon madawit (’yung pelikula) kasi papapelan niya ’yung pinakamataas, inisip niya nakakahiya…
“Iisipin ng mga tao, ’yung gumaganap ng pinaÂkamataas na pinuno ng Iglesia ni Cristo, maraming isyu ngayon,†sabi ng isang malapit sa aktor-senador.
Ayon naman kay Ms. Arlyn dela Cruz, executive producer ng INC movie; “Senator Revilla helped us a lot in the pre-production stage of the movie. He did not hesitate in lending his expertise in helping us in the preparation. We are grateful.â€
Samantala, wala namang nabanggit si Ms. Dela Cruz kung sino ang ipapalit nila kay Sen. Bong sa nasabing pelikula na nakatakdang ipalabas kasabay ng Iglesia ni Cristo’s Centennial celebration sa 2014.
Maging ang asawa raw ni Sen. Bong na si Congresswoman Lani Mercado na gaganap na asawa ni Eduardo V. Manalo ay tanggal na rin sa nasabing proyekto.