^

Pang Movies

Paglalandi ng aktres walang naging epekto kay Chris Tiu, ikinasal na sa kaisa-isang naging gf

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

No comment pa si Chris Tiu sa balita na ikinasal sila ng kanyang long-time girlfriend na si Clarisse Ong sa Canada noong nakaraang buwan.

Karapatan naman ng basketball star-TV host na manahimik dahil ang personal life niya ang involved pero nag-congratulate sa kanya ang team ng Smart Gilas. Ang ibig sabihin, may katotohanan ang ba­lita na ikinalungkot ng mga babae na nagpapantasya sa sikat at poging celebrity.

Nalungkot din kaya ang aktres na pasimpleng lumalandi kay Chris pero dedma ito. Baka nga hindi napansin o naramdaman ni Chris sa pinupuntirya ito ng malanturay na aktres dahil faithful siya kay Clarisse.

Ang production staff ng isang TV network ang unang nakapansin sa pasimple na paglalandi ng aktres kay Chris. Halatang-halata raw sa mga kilos at salita ng aktres na tina-target niya ang star athlete pero luhaan ang hitad dahil hindi nito kauri ang kanyang subject!

Martin never magre-retire sa pagkanta kahit senior citizen na

Excited ako sa gagawin ni Martin Nievera. Ipagluluto niya ang ilang selected friends at siyempre kasama ako.

Sa wakas, matitikman ko na ang ipinagmamalaki ni Martin na pork barbecue na mas safe kainin kesa sa pork barrel!

Ang akala ng iba, pagkanta lang ang talent ng Concert King. Hindi sila aware na may talent sa pagluluto si Martin na naghahanda na para sa repeat ng kanyang 30th anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum, ang 3D2.

Bukas ko na lang ikukuwento sa inyo ang lasa ng mga niluto ni Martin na walang balak na iwanan ang pagkanta kahit maging senior citizen na siya dahil ’yon ang kanyang buhay.

Staff ng bagong weekly show na mababa ang ratings naka-ready nang mag-pack up

Mababa ang ratings ng bagong weekly show ng isang TV network. Naka-ready ang staff na any moment ay puwedeng matsugi ang kanilang programa.

Hindi sila umaasa na aabutin ng tatlo o anim na buwan ang show nila dahil hindi nga ito popular sa tele­viewers na masyadong pihikan ang panlasa sa mga TV program na gustong panoorin.

Inday Barretto biglang nanahimik

Wondering ang mga intrigera dahil tahimik si Inday Barretto tungkol sa hindi matapus-tapos na gulo sa kanyang pamilya.

Nagtataka ang mga tsismosa dahil ang mister ni Mommy Inday na si Miguel Barretto ang humaharap sa media. Ipinaubaya na niya sa asawa ang pagiging spokesperson ng pamilya.

Ang tanong ng bayan, napagod na rin ba ang nanay ng Barretto sisters sa pagsasalita o affected na siya sa palitan ng mga demanda nina Claudine at Raymart Santiago?

Malalaman natin ang sagot sa mga susunod na araw. Baka hindi pumayag si Mommy Inday na hin­di sagutin ang explosive official statement ni Gret­chen na nagbuko na biggest secret ng pamilya ang diumano’y pagkakaroon ni Claudine na pangit na bisyo.

Aktres maglalantad ng sikreto, ’di na matiis ang paninira sa pamilya

May possibility na magsalita bukas sa Startalk ang aktres na involved sa isang malaking kontro­bersiya.

Secret muna ang identity ng aktres para hindi ma-preempt ang paglalantad niya sa sikreto na mag­bibigay ng kasagutan sa mga nangyayari sa kanyang pamilya.

Matagal na nanahimik ang aktres pero hindi na niya ma-take ang mga paninira na napapanood sa TV.

Oras na raw para sabihin niya ang the truth and nothing but.

Abangan ninyo ang kanyang mga pasabog bukas sa nag-iisang showbiz authority, ang Startalk!

                                             

vuukle comment

AKTRES

CHRIS

INDAY BARRETTO

MOMMY INDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with