Richard may senyales na magiging Kapamilya na?

Sa kanyang programang Gandang Gabi, Vice, Vice Ganda mentioned na kasama pala niya sa pelikula niyang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Girl, Boy, Bakla, Tomboy si Ruffa Gutierrez.

Nabanggit ito ni Vice dahil last Sunday ay guest niya sa GGV si Richard Gutierrez, utol ni Ruffa.

Although halatang may sakit (may sinat daw siya), game si Richard sa pambubuska ni Vice which is expected ng bawat celebrity na pumapayag na mag-guest sa programa.

Pero ang tanong: Does Richard’s appearance in GGV hudyat na rin na anytime soon ay he will be Kapamilya na?

Richard’s contract with GMA 7 has expired. He is free now to sign up with other networks.

Janice at Carmina bubuo ng bagong talk show, SIR last episode na

Totoo palang last airing na sa Saturday ng SIR (Showbiz Inside Report). But this doesn’t mean, we heard, na mawawalan na ng talk program sina Ja­nice de Belen at Carmina Villarroel.

They will reportedly host a new showbiz talk program but minus na raw (raw ha?) this time with their SIR co-hosts Joey Marquez at Ogie Diaz. Ins­tead, a seasoned male co-host will join them.

Unlike SIR, however, it will not be aired daw (again, daw ha?) on a Saturday but on a Sunday at a much later time.

Well, abangan na lang natin dahil this October daw ito magaganap.

Nikki ayaw pang ma-in love uli

True to what she claimed, Nikki Gil obviously has moved on. Yes, from her much publicized breakup with boyfriend of nearly five years, Billy Crawford.

She looked prettier and, no doubt, in her element when she joined all the other members of the cast of her new series Maria Mercedes starring Jessy Mendiola (title roler) Jake Cuenca, Jason Abalos, Vi­vian Velez, at Ariel Rivera, among others sa presscon.

She plays a kontrabida in the project.

Matatagalan daw siguro bago siya muling umibig. Ang alam namin, 25 years old pa lang naman si Nikki.

Personal…

Belated birthday greetings to fellow PM colum­nist Vir Gonzales who turned a year older yesterday, Sept. 30.

Now a sari-sari store owner, Vir said hindi ito na­ngangahulugan na ’di na siya magiging aktibo sa pagsusulat tungkol sa showbiz.

He writes, aniya, for two other tabloids, aside from PM. Bagama’t priority daw niya ang pahayagang ito. (Wow. Happy birthday, Tito Vir! - SVA)

Bianca susubukang gamitin ang pinag-aralan

For her next assignment sa GMA 7, after the series Maghihintay Pa Rin Ako, where she had Rafael Rosell for her leading man, Bianca King is hoping na mapagbigyan siya ng home network to work behind the TV cameras naman.

A digital filmmaking graduate from the St. Benilde College of the De La Salle University, eager si Bianca, na ma-practice na ang kanyang pinag-aralan.

Would she want a particular project for her first assignment? And who are the stars, na mga taga-GMA, of course, ang type niyang makasama sa project?

‘‘Wala. Wala, actually,’’ sagot ni Bianca. ‘‘Any particular project will do. Ang importante sa akin ngayon ay masubukan ko na kung ready na ako na ma-practice ang aking pinag-aralan.’’

Direk Tikoy hindi pa umaatras sa Sugo

What’s this, we heard, na si Tikoy Aguiluz pa rin ang mananatiling director ng film project ng Iglesia ni Cristo, ang life story ng founder ng congregation na si Felix Manalo?

The buzz going around lately is that Direk Tikoy has resigned from the mo­vie entitled Sugo. Kaya it is now daw actor-director Cesar Montano who will direct it.

Earlier publicity revealed na dalawa sa pangunahing tauhan ng Sugo ay gagam­panan nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Richard Gomez.

It will be shown daw sa ipinagagawang arena ng Iglesia ni Cristo, now, under construction in Bulacan.

Show comments