Tropang Potchi tuloy sa paglilibot sa Pilipinas

MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng ika-10th season, ang weekend show na Tropang Potchi (TP) ng GMA Network ay patuloy sa pagbibigay sa Kapuso viewers ng mga exciting at informative na reality-adventure episode laman ang Pinoy values at kultura.

Ayon sa TV ratings data supplier na Nielsen TV Audience Measurement, nakalamang ang Tropang Potchi laban sa ibang programa sa lahat ng lugar.  Base sa data na naitala noong August hanggang Sept. 21 (Saturdays) sa National Urban Philippines, ang pambatang palabas ay may 7.6 percent household rating kumpara sa 4.7 percent ng Kung Fu Panda (KFP) ng ABS-CBN. Sa Urban Luzon, may 8.2 percent household rating ang Tropang Potchi na mas mataas uli sa 6.1 percent ng KFP. Sa Mega Manila naman ay nakakuha ang TP ng 8.9 percent household ratings habang ang KFP ay 5.5 percent.

Samantala, ang original cast members na sina Miggy (Miggy Jimenez), Sab (Sabrina Man), Nomer (Nomer Limatog), at Lenlen (Lenlen Frial) ay natutuwa sa mga baguhang miyembrong sina Tuks (Miggs Cuaderno) and Kyle (Kyle Ocampo) na napapanood na rin sa ilang programa ng GMA.

Sa tulong ng Columbia International Foods (producer ng Potchi candy), tuloy lang sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga bata ang TP at sa pagpapakita na “It’s More Fun in the Philippines.” episodes showcasing the beauty of the country.

Pakatapos makilala ang Talaandig at Manobo tribes sa Bukidnon, volunteer teachers, at si Master Chef Boy Logro, excited na ang young cast na mag-ikot pa sa iba’t ibang lugar.

Abangan ang Tropang Potchi tuwing Sabado ng umaga bago mag-Sarap Diva.

 

Show comments