Charice ayaw na sa mga singer na biritera

Ipinagmamalaki ni Charice ang bago niyang album sa Star Records na may titulong Chapter 10. Ayon kay Charice, ang paglantad niya ng kanyang tunay na sexual preference ay mistulang naging simula na rin ng kanyang paglaya pagdating sa musical preferences niya.

Noon daw kasi ay mga awitin ng mga sikat na female balladeers ang kanyang inaawit tulad ng kina Celine Dion, Whitney Houston, Regine Velasquez, at Lea Salonga.

Pero ngayon, dahil sa kanyang bagong image, ang mga musika na nina Pink, Chris Brown, at Justin Timberlake ang kanyang hilig na pakinggan.

“Ang bago kong CD ay simula ng bagong chapter sa buhay ko. Tungkol siya sa pagiging malaya, pagigiging masaya sa tunay kong identity nang walang anumang hadlang, at pagiging matapang sa kabila ng mga limitasyon. Alay ko rin ito sa Diyos na mahal din ang mga tulad kong lesbian,” saad ni Charice.

Special daw kay Charice ang number “10” kaya ito ang naging titulo ng album niya.

“Bukod sa sampung kanta ang laman ng album, malapit sa puso ko ang ten dahil ito ang birthday ko, ng nanay ko, at anniversary namin ni Alyssa (Quijano),” sabay ngiti pa ni Charice dahil sa Oct. 10 ang first anniversary nila ng kanyang inspirasyon.

Bahagi ng Chapter 10 ang unique version ni Charice ng Titanium, How Could an Angel Break My Heart, at marami pang iba.

Para sa fans ni Charice, maaari siyang i-follow sa www.charicemusic.com at twitter.com/officialccrp.

Joyce boto kay Kristoffer para kay Julie Anne

Ini-enjoy ni Joyce Ching ang muling pagganap niya bilang kontrabida sa weekly teen suspense series ng GMA 7 na Dormitoryo.

Gumaganap siya bilang si Airiz de Ocampo, ang leader ng mga mean girl sa campus na binu-bully ang bagong resident ng dormitory na si Hazel (played by Lauren Young).

Naging kontrabida si Joyce sa telefantasya na Paroa, ang Kuwento ni Mariposa, Ikaw Lang ang Mamahalin, at Endless Love.

Ayon kay Joyce, iba naman daw ang dating ng pagiging kontrabida niya sa Dormitoryo. Sosyal siya rito, Inglisera at fashionista.

Natanong din si Joyce tungkol sa pagkakapareha ng boyfriend niyang si Kristoffer Martin kay Julie Anne San Jose sa primetime series na Kahit Nasaan Ka Man.

“Natuwa po ako noong malaman ko na magkakapareha sila. Kaibigan ko po si Julie kaya alam kong magiging maayos ang teamup nila. Plus, pareho silang kumakanta kaya maganda ang kalalabasan ng series,” sagot ni Joyce.

Larry David pinakamayamang komedyante sa Amerika, kumita ng $900 M

Ang mga TV series comedian na sina Larry David at Jerry Seinfeld ang siyang two wealthiest comedians in America, ayon sa Wealth-X, a high net worth research provider.

Si Larry David ay worth $900 million dahil sa kanyang comedy series on HBO na Curb Your Enthusiasm. Co-creator si David ng kanyang series at kakapirma lang niya ulit ng bagong deal para sa rerun ng kanyang show na nagkakahalaga ng $400 million in syndication.

Si Jerry Seinfeld naman ay isa sa co-creators ng hit TV comedy na Seinfeld during the early ’90s at noong magtapos ito in 1998 after nine years, kumita si Jerry ng higit sa $3.1 billion in US syndication fees.

Show comments