Aktor nag-epal pati sa lighting director

Nagpapasalamat ang staff ng isang TV series na ito dahil hindi na nila makakatrabaho ang drama actor na kasama sa cast na saksakan ng pakialamero.

Hindi nila maintindihan kung ano ang problema ng drama actor at hindi na lang siya makuntento na umarte na lang. Gusto pa nitong makisali sa pagdirek ng mga eksena.

Wala naman daw humihingi ng opinion niya pero serious ito sa pakikialam ng blocking, lighting, at pati pagbitaw ng mga dialogues ng kasama niya sa eksena.

Kinausap na si drama actor ng head ng production at sinabi na tigilan na nito ang pakikialam dahil hindi na ito nagugustuhan ng kanilang director, lighting director, at pati na ng kapwa artista niya.

Pero nangatwiran pa raw ang drama actor at sinabing wala naman daw siyang masamang intensyon—gusto lang niyang maging maganda ang mga eksena nila.

Maganda naman daw ang intensions niya pero hindi na raw niya iyon teritoryo. Binabayaran siya para umarte at hindi makialam sa production dahil marami siyang naaabalang mga tao na maayos na nagtatrabaho.

Dahil sa pagiging epal ni drama actor kaya bad shot siya sa ilang tauhan sa production.

Kaya naman noong matapos na ang show, laking tuwa nila dahil wala na silang paki­kisamahan na pakialamero. 

Ruru naunahan na ang winner sa Protege!

Masaya si Ruru Madrid sa mga magagandang projects na kanyang ginagawa pagkatapos siyang makilala sa reality-artista search na Protégé: The Battle For the Big Artista Break.

Hindi siya ang nanalo sa contest pero siya ang pinaka-busy. Pagkatapos niyang lumabas sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa nabigyan ulit siya ng primetime series na Sa Akin Pa Rin ang Bukas.

Meron din siyang weekly series na Dormitoryo kung saan ka-love triangle siya nila Lauren Young at Enzo Pineda.

Tapos tuwing Sunday naman ay nasa Team Tweethearts siya ng Sunday All Stars.

Kaya buong week na nga siya napapanood sa TV. Pero wala naman daw complaints si Ruru dahil malaking tulong nga raw iyon para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa movies naman ay magandang reviews ang nakuha niya sa pagganap niya sa indie film ni Maryo J. Delos Reyes na Bamboo Flowers na isa sa naging entry sa Sineng Pambansa National Film Festival.

Meron pa siyang natapos na isa pang indie film titled Above the Clouds na dinirek ni Jose “Pepe” Diokno. Isasali nga ito sa mga film festivals abroad bago siya maipalabas dito sa Pilipinas.

Tuloy marami ang nagsasabing mas sikat pa siya kesa sa male winner ng Protégé na si Jeric Gonzales.

Khloe Kardashian inilaglag na ang apelyido ng asawang umaming nagko-cocaine

Sa nalalapit na 4th wedding anniversary nila Khloe Kardashian at NBA player Lamar Odom on September 27, may ginawa si Khloe na kinagulat ng maraming followers niya sa Instagram.

Pinalitan ni Khloe ang username niya sa Instagram from Khloe Kardashian Odom to just simply Khloe.

Nangyari ito pagkatapos na maaresto si Odom for DUI at ngayon ay inamin nito na meron siyang cocaine addiction.

Matagal na raw hindi nagkakasama ang mag-asawa at hindi raw malayong magkahiwalay na sila ng tuluyan dahil sa matinding marital problem nila sanhi ng hindi magandang bisyo ni Odom.

Ayon nga sa US Weekly magazine, may rumors na malapit nang mag-file ng legal separation si Khloe mula sa kanyang mister na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap.

 

Show comments