KC pumayag makaromansa si Gov. ER

MANILA, Philippines - Makakaromansa naman ni Gov. ER Ejercito si KC Concepcion sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Alias Boy Golden. Pormal nang nakapasok ang entry ng gobernador dahil ito ang No. 9 sa mga pelikulang isinumite sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil nag-back out ang dalawang napiling entries, My Super Kap at Be Careful With My Heart.

Sa pag-back out ng malalaking artista, siyempre pa, nakaatang sa balikat nina Vic Sotto, Kris Aquino, Vice Ganda, at Robin Padilla ang paghatak sa publiko upang panoorin ang kanilang entries nang sa gayun ay lampasan ang kinita ng MMFF last year.

Kailangang gumawa ng pakulo ang MMDA upang sumigla ang festival.

Marian confident na hindi na uli lalandiin ni Rhian si Dingdong

Non-issue kina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang muling pakikipagpareha ng aktor kay Rhian Ramos na leading lady niya sa GMA series na Genesis. Naging issue minsan kasi si Rhian kay Marian upang magkaroon ng tsismis na talakan sa isang dressing room na magsabay sila sa isang show.

Eh gaya nina Dong at Yan Yan, makulay rin ang love life ngayon ni Rhian dahil kay KC Montero. So safe and sound na ang utak ng GMA Primetime Queen na walang landiang magaganap sa boyfriend at kay Rhian.

Ang Genesis ay isa sa projects ni Dingdong sa GMA matapos niyang pumirma ng five-year contract sa home network.

Pinangunahan na rin ni Marian ang mga intriga nang magpadala siya ng flo­wers kay Bea Alonzo na leading lady naman ni Dingdong sa bago niyang movie sa Star Cinema. Siyempre pa, hindi mapipigilan ng aktres na gawan ng intriga ang pakikipagtambal ng kanyang boyfriend kay Bea.

Show comments