^

Pang Movies

Character actor na pamilyado at may matronang produ, may energy pang makipag-tsugihan sa boylet!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Halos hayagan ang relasyon ng poging character actor sa mayamang matronang producer kaya hindi gaanong pinagtsitsismisan.

Bukas na aklat din na meron siyang sariling pamilya at mga anak. Ayon sa mga kaibigan niya, very good provider sa kanyang misis ang artista.

Ang itinatago niyang lihim, boundless ang ener­gy sa kama ng aktor. May lakas pa siya para sa kanyang mga nakakasamang mga guwaping!

Lauren nagsalita na sa pagpapa-tanggal kay Julie Anne

Contrary to warnings given to her when Lauren Young moved to GMA 7 from ABS-CBN last year na mabuburo lang siya sa Kapuso Network, nakakadalawang big roles na ang naibigay sa young actress.

After Mundo Mo’y Akin, ipapalabas na ang Dormitoryo in Sept. 22.

Lead role agad ang ginagampanan niya sa bagong teledrama at katambal niya si Enzo Pineda. Akala ng marami kasali si Julie Anne San Jose sa Dormitoryo pero biglang tinanggal. Naghinala tuloy tayo na si Lauren Young ang gumawa ng paraan para matsugi si Julie Anne.

“Wala naman akong dahilan upang gawin ’yon,” tigas ang pagtanggi ni Young.

“At wala naman akong power upang magpatanggal ng kapwa ko artista sa isang project.”

Closet na macho actor napurnada sa panghahada sa abroad, fans panay ang pa-picture

Napatunayan ng isang pamintang macho actor na kahit saang lugar siya magpunta sa buong mundo, hindi na siya maaaring magtago sa kanyang pagtatampisaw sa kaligayahan with his male partners. Kalat na kalat ang mga Pinoy na kilala na siya.

Habang naka-posing na sa isang park abroad at naghihintay ng mahahagip, naglapitan sa kanya ang Pinoy fans at nagpa-picture pa sa cell phone. Nagpaunlak agad siya pero ayaw pang umalis at tuloy ang pakikipag-chikahan.

Ang dami tuloy poging apam na aali-aligid sa kanya ang hindi niya nalapitan. Kulang na lang magtitili ang pamintuan upang palayasin ang mga turistang tagahanga.

Album ni Daniel balik-No. 1, fans nagdiriwang!

Muling nagdiriwang ang fans ni Daniel Padilla sa pagbawi ng DJP 3rd album ng matinee idol sa No. 1 position sa music charts. Siyempre ito rin ang top seller sa OPM list.

Ang former No. 1 na Esoteric album ng Urbandub, nasa third spot na lang this week.

Ano kayang magic meron ang DJP CD ni Daniel at patuloy ang malakas na benta all over the country?

Nora inaabangang pumalya sa pekeng Ilokanong accent

Nakumbida kami ng mga Noranian sa special screening ng Ang Kuwento ni Mabuti, starring Nora Aunor, sa Gateway Mall Cinema sa Cubao, Quezon City this evening.

Magsasama ako ng isang tunay na Ilokano upang masabi sa akin kung tama ang accent ng Superstar sa pagsasalita ng Northern dialect. Sigurado naman kasing mahusay ang pagganap niya as a barrio lass na nakapulot ng isang bag na puno ng pera. Duda lang kami sa kanyang Ilokano dahil alam naman natin na purong Bikolana si Ate Guy, from Iriga, Camarines Sur.

Pelikula ng dalawang National Artists nagpauna na sa Cine Filipino

Ang Walls of Hell: Intramuros directed by two National Artists Gerry de Leon and Eddie Romero ang naging opening film ng Cine Filipino filmfest last night.

vuukle comment

AFTER MUNDO MO

ANG KUWENTO

ANG WALLS OF HELL

ATE GUY

CINE FILIPINO

JULIE ANNE

LAUREN YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with