^

Pang Movies

Julia sanay na sa gulo sa kanilang pamilya

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aware ang Kapamilya youngster na si Julia Barretto sa kaguluhang nangyayari sa kanyang pamilya partikular na ang away ng kanyang Tita Gretchen Barretto-Cojuangco, Claudine Barretto-Santiago, at ng kanyang ina na si Marjorie. Kaya hindi maiiwasang mahingan ng reaksiyon ang baguhang aktres ukol sa sigalot sa pagitan ng mga tita niya.

Si Julia ay anak ni Marjorie sa ex-husband nitong si Dennis Padilla.

“Kasi there are some instances na hindi naman talaga ako involved. Actually, sa mga nangyayari these past few months, these past few days, I’m not really involved. I’m not gonna be the one to answer that.

“Siguro kung may itatanong kayo siyempre sa kanila kasi mas may masasabi sila about it. Ako naman, I’m busy with my own career. ’Yun lang maa-answer ko talaga kasi I don’t know anything,” pahayag ng napakagandang bagets.

Aminado si Julia na kung minsan ay nasasaktan din siya dahil hindi na natapus-tapos ang problema sa kanilang pamilya. Nagsanga-sanga pa nga dahil pati ibang isyu nina Gretchen, Claudine, at Marjorie ay nadadamay sa mga kontrobersiya.

Nariyan ang iringan ng mag-inang Inday at Gretchen; ang pagkampi ni Gretchen sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago; at pati si Marjorie ay hindi nakaligtas sa pang-iintriga ng ilang bashers kamakailan. 

At pati ang kapatid ni Julia na si Claudia ay nadawit din sa pangba-bash ng ibang followers sa kanilang ina sa Instagram. Pilit kasing sinasabi ng mga basher na kumukuha si Marjorie ng pambayad ng tuition ni Claudia kay Tonyboy Cojuangco, na long-time partner ni Gretchen.

Ilan lang ito sa mga negative comment tungkol sa kanila na kumakalat sa Instagram at iba pang social media networks. Pero para kay Julia, hindi na dapat nila pagtuunan ng pansin ang anumang intriga, lalo pa’t kung wala namang basehan.

“There are so many comments sa Instagram that we don’t even monitor it anymore. Actually, why do we have to monitor it when we can focus on the positive?” sabi niya.

Sa edad na 16 ay maituturing na napakabata pa ni Julia para harapin ang mga ganitong klaseng isyu.

Pero ayon sa kanya, walang dahilan para umiwas siya dahil lumaki siya sa angkan ng mga artista.

“Hindi naman  I grew up dealing with this stuff. Hindi na siya bago sa akin. I believe it’s part of the industry,” sabi ng teen star.

“There’s nothing to worry about. Alam mo naman ’yung totoo, ’di ba?”

Samantala, masayang ibinahagi ni Julia na madalas silang magkasama ng kanyang ina na si Marjorie ngayon dahil dalawang linggo itong nagkasakit.

 â€œMy mom and I are super close, as in best friend ko siya. Nasasabihan ko siya ng anything. Kaya now that she’s sleeping with me I’m super happy.

“I’m just always there for her. I’m proud of her. I just make her feel na I’m gonna be there no matter what,” saad pa ni Julia.

             

vuukle comment

CLAUDIA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO-SANTIAGO

DENNIS PADILLA

GRETCHEN

INSTAGRAM

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with