Artistang inilako ang kontrata sa ibang network ng manager, pinarusahan
Kahit may exclusive contact ang talent ng isang manager sa network ay inilalako pa niya ang kanyang artista sa isang kalabang istasyon. Kapag nag-offer ng malaki ang kabila, pipilitin niyang makawala sa legal bond.
Ang kaso, hindi pumayag ang TV channel na may-ari sa artista. Hindi nakuha ng oportunista ang malaking talent fee. Sa galit ng mga big boss sa network, ginawang frozen delight ang kanyang alaga. Binigyan man ng trabaho, mga bit role lang.
Ayan ang mapaghangad ng kagitna, ’sang salop ang nawala.
Beking manager namumuhunan ng konti sa mga promdi pero biglang ibebenta ang legal rights ’pag nagkapangalan na
Isang beki manager naman ang mahilig tumuklas ng mga tipong artista sa mga probinsiya, namumuhunan siya ng konti upang magmukhang tao ang kanyang discovery from the gutter.
Kapag may pangalan na, binebenta na ng malaÂking halaga ang legal rights sa kanyang talent. Madali nga naman siyang yumaman ng walang masyadong pagod. Balik-probinsiya ang bading upang maghanap uli ng maaaring i-build up!
Pelikulang idinirek ni Ely Buendia mapapanood sa UP, may libreng concert pagkatapos
Itatanghal sa Cine Adarna theater ng U.P. Diliman sa Quezon City ang pelikulang unang idinirek ni Ely Buendia, ang Bang Bang Alley. Merong dalawang screenings on Sept. 19 at 6:00 p.m. and 9:00 p.m.
Right after the film’s showing at nine, isang live concert ang itatanghal, sa pangunguna ni Buendia at kanyang mga kaibigang rocker. Libre ang show kaya’t ang babayaran lang ay tiket para sa movie.
Magandang actress tiyak pag-uusapan kapag nagladlad tulad nina Aiza at Charice
Aiza Seguerra, the former child wonder who is now a singing icon, turns 30 today, Sept. 17. She is celebrating with a live concert, with Charice Pempengco, dubbed Power of Two at the Smart Araneta Coliseum on Sept. 28.
Naalaala ni Aiza noong panahon na kailaÂngan na niyang ipagtapat ang kanyang tunay na sexual preference. Nagpapasalamat siya na hindi kinailangang sabihin niya sa maraming tao o magpa-interview sa multi-media. Sapat na ang nalaman ’yon ng kanyang parents at close friends pero meron din naman siyang mga panimulang problema, tulad nang hinarap ni Charice.
Mabuti pa si Monique Wilson na international artist noong nag-come out sa isang press interview, hindi gaanong pinagpistahan ng media at maraming tao. Kapag ang isang very beautiful actress ang nag-confess, baka mahigit isang taong pag-usapan!
Maureen Mauricio utang kay Direk Lino Brocka ang pagka-aktres
Maraming taon nang nagampanan ni Maureen Mauricio ang wife na ang husband ay mga gay lover sa pelikulang Sibak ni Mel Chionglo. Simula noong na-reinvent siya ng yumaong National Artist For Film Lino Brocka, from bold to dramatic actress in Gumapang Ka Sa Lusak, nakapagtrabaho siya with country’s most competent directors.
Malaking kawalan ang pagyao ni Brocka pero tinangkilik naman si Maureen ng mahuhusay na direktor. Recently, nakalabas na siya sa mga teledrama at ang balak niya ay mag-full time uli sa showbiz.
This November posibleng dumalo siya sa isang film festival San Francisco, USA dahil ang isang film docu tungkol sa kanya ay kinukuhang lahok doon.
Hanggang ngayon, tinatanaw niyang malaking utang na loob kay Brocka ang ginawang pagbabago sa kanyang buhay at sa kanyang pananaw bilang artista.
- Latest